Max's PoV ISANG linggo bago ang graduation namin ay naging abala ako sa mga school activities. Ginawa ko ang lahat ng projects na dapat na ipasa ko para sa lahat ng mga subjects. Apat na araw ko na ring hindi nakikita si King. Pagkatapos ng Valentine's Day hindi na kami nagkita at nagkakausap ni King. Naiisip ko na siguro nga pareho kaming busy sa pag-aaral namin. Hawak ko ngayon ang program para sa graduation namin next week. Masayang-masaya ako habang naglalakad patungo sa bike ko habang iniisip ang reaksyon ni Nanay. Kasali kasi ako sa top ten studens na tatanggap ng mataas na award. Ngayon pa lang ay excited na ako. Hindi pa man ako nakakalapit sa may guard house ay nilapitan na ako ng dalawang lalaki. Nakikilala ko sila... mga bodyguard ni King. Nagtaka ako kung ano ang kailangan