Stacey's PoV "Babe, sorry kung naging matigas ang ulo ko. Sobrang na-miss lang talaga kita kaya nagmadali akong pumunta sa iyo. I'm sorry." Niyakap ko nang mahigpit si King. Narinig ko ang pagbuga niya nang malalim. "Hindi ka ba nasaktan? Sino ang tumulong sa iyo kanina?" Lumayo ako kay King at sinapo ko ang magkabilang pisngi niya. "Tinulungan ako ng isang kaibigan. You know what, ang astig niya." "Lalaki?" Tumingkayad ako para hagkan ang mga labi ni King. "Nagseselos ka ba?" "I'm not. Worried lang ako sa mangyayari sa iyo lalo na at ganyan ang suot mo." Lumayo sa akin si King. "Hindi mo ba ako na-miss, babe? Isang taon mo akong hindi nakita." Humaba ang nguso ko at nalungkot dahil sa inaasal ni King na para bang balewala ako sa kaniya. "Don't tell me na may iba kang pinagkakaabala