MARIELA ROSE LOPEZ __ Sinisimulan ko nang pintahan ang malaking canvas sa wall pero tumigil ako sandali dahil nadodoble na ang paningin ko. Tinukod ko ang likod ng palad ko sa noo ko at pinakiramdam muna ang sarili ko. "Ms. Lopez, ayos lang po kayo?" narinig kong tanong ni Rocco. Hindi ako nakasagot. Naramdaman ko naman ang paglapit nito sa akin. "Sumasakit po ba ang ulo n'yo?" Marahan niyang kinuha ang balikat ko. Humawak naman ako agad sa braso niya dahil pakiramdam ko ay matutumba ako ano mang oras. "Nahihilo ako..." "Maupo po muna kayo." Akmang ibababa niya ang hawak na trashcan pero mabilis ko iyong kinuha sa kaniya. Hindi na ako nakapagpigil. I threw up. Mabilis din naman nitong hinagod ang likuran ko at nang matapos ay inalalayan niya na akong maupo muna sa silya. Kinuhan