MARIELA ROSE LOPEZ __ Nagmamaneho ako pauwi ng bahay nang tumunog ang cellphone ko. Nagmadali ko agad iyong abutin sa bag ko sa passenger seat dahil baka si Leigh ang tumatawag kahit pa alam kong imposible iyon. I just wanted myself to believe na isang araw tatawagan niya rin ako sa kahit anong dahilan. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang unknown number doon pero sinagot ko pa rin iyon. Tinuon ko ang atensyon ko sa daan. "W-who is this?" "Remember Rome Lozada?" Marami akong iniisip noong mga nakaraang araw kaya sinubukan ko pang alalahanin. But then, naalala ko rin agad ang nangyari sa parking "Y-yeah..." "I just want to know if you're free this weekend?" Muli ko iyong pinag-isipan sa ilang sandali. "I don't know yet... but I'll let you know." "That's great. I'm looking forward