INIKO KHARIQUE ROSS __ "Get out," malamig na sambit ko. Dinala ko ang baso ng alak sa bibig ko habang diretsong nakatingin sa puting pader sa harapan ko. Lumabas ito ng pinto pero nakita ko rin sa gilid ng mata ko ang pagpasok ni Rhett. Umupo ito sa katapat na couch, blocking my sight. "Pinapahanap mo pa rin?" Humugot ako ng malalim na hininga. Sumandal ito sa couch at diretsong tumingin sa mga mata ko. "Hindi pa nakikita ang bangkay niya after two years, but you know you can manipulate that. Or, you can take all her assets and leave. Bakit nga ba nandito ka pa ngayon?" Inubos ko ang laman ng baso at sumandal din sa couch. "She withdrew a huge amount of money in two different days. She left to meet someone that we knew was Eloy. But the thing is... hindi sila nagkita. Someone

