INIKO KHARIQUE ROSS __ Maaga kaming nakabalik sa private house kinabukasan. Nagawa ko lang umidlip. Tirik na ang araw sa labas nang bumangon ako. Lumabas ako sa balcony para tingnan ang buong paligid. Wala pang gaanong tao sa labas. Nakuha rin ng atensyon ko ang pamilyar na taong nakahiga sa buhangin. Sandali ko pa itong pinagmasdan bago ako bumaba. "Kain," ani Rocco. Hindi ko ito pinansin. Nagtungo ako kung saan ito nakahiga. Sinadya kong tumayo sa gilid niya. Nakasuot ito ng sunglasses pero alam kong naramdaman niya na ang presensya ko. May tan pa siyang nalalaman, hindi naman umeepek. Nasusunog lang siya at namumula. "I'll leave now." "Nagpapaalam ka?" Tuluyan na itong bumaling sa akin. "You're so sweet, hubby." Bumabalik na naman siya sa pagiging mapang-uyam niya kahit paran