MARIELA ROSE LOPEZ __ "Leigh, don't move." Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. "The butterfly is on your head." "Really?" pumihit ito para bumaling sa akin. Huminto ako at matalim siyang tiningnan. "I said don't move." Nakalipad agad ang paruparo. Kahit na nakasuot ng mask ay alam kong nakangisi ito knowing that he was able to upset me again. Lumapit ako sa kaniya para hampasin ang dibdib niya. Umangat din ako nang bahagya para halikan siya sa labas ng suot niyang mask. I wasn't so happy kaya sandali ko iyong binaba para maramdaman na ang mga labi niya. "Doon naman tayo sa kabila." Dumausdos ang mga palad naming sa isa't-isa hanggang sa magkasalop ang mga iyon. Hindi ko naitago ang ngiti sa mga labi ko hanggang sa makaalis kami ng zoo at lumipat ng theme park. I was very excited.