Ngumiti lang ito bago tumango at sinabing, "Yes. Love is really unfair. For we tend to love those people who's not capable of loving us back." "Pero mahal ako ni Casmon," tutol ko sa kaniyang sinabi. Napailing lang ang anghel bago ako matamlay na nginitian. "Helleia, hindi ko ito sasabihin dahil mahal kita, sasabihin ko ito bilang isang anghel na iniisip ang kapakanan ng ating mga kasamahan, ng mga mortal, at ang balanse sa pagitan nating lahat..." saad nito kaya't seryoso ko siyang pinagmasdan. "Likas na mapanlinlang ang mga demonyo. They are the epitome of deception. He used, hurt, and wrecked you once, and...he killed you once..." natulala ako sa kaniyang huling sinabi. Hindi ko napigilang hindi mapayuko at mapahid ang luhang tumulo mula sa aking mga mata. "...and letting him use,