Natapos ang team building activity nang hindi ko gaanong nai-enjoy dahil sa mga tinging nakukuha ko mula sa ibang empleyado. Their stares made me so uncomfortable. I felt watched. I felt like they’re observing every single thing I do. Mabuti na lang at naroon ang mga kaibigan ko at kahit papaano ay hindi ko gaanong napagtuonan ng pansin ang mga tinging nakukuha ko. Himala rin na hindi umeksena si Beatrice. She just stayed in the corner and did nothing, pero may mga pagkakataon pa rin na nakikita ko siyang nakatingin sa akin. Si Sull naman ay hindi ko rin gaanong nakakausap dahil kasama niya palagi ang members ng board. Ayoko rin na dumikit nang dumikit sa kanya dahil baka iba ang dating sa mga makakakita. Ewan ko ba, simula nang sabihin niya sa lahat ang relasyon namin ay imbes na makaram