Maya's Point of View Maaga akong gumising para makapaghanda at hindi maabutan ng traffic. Dala-dala ko ang isang envelope na may laman ng lahat ng mga kakailanganin para sa pag-a-apply ng trabaho. Lahat ng pwedeng ma-apply-an mamaya ay papasahan ko ng resume. Alam kong hindi ko naman talaga kailangang magtrabaho dahil naibibigay naman ni ate ang suportang kailangan ko, pero 'yon na nga, hanggang doon lang. Ayoko rin namang humingi nang higit pa roon dahil hindi na niya 'yon responsibilidad. Siya na nga ang umako sa responsibilidad na dapat sana'y sa mga magulang namin, eh. Nakita ko kung paano maghirap ang ate ko noon, mapagsabay lang ang trabaho at pag-aaral. Kaya laking pasasalamat ko na hindi ko na 'yon naranasan dahil sa kanya. Ang totoong rason talaga kung bakit ako naghahanap n