OLD STORIES RECO 3: PILLARS OF MAGIC Part 2

4993 Words

Hindi pa roon natigil ang pag-atake ng lalaki. Gamit ang kaliwang kamay niya ay hinawakan niya ang tainga ng dragon at bumwelo paitaas. Nang nasa himpapawid na siya ay itinaas niya ang kanyang dalawang kamay at mabilis na bumuo ng bola ng asul na apoy. Buong puwersa niya itong ibinato sa ulo ng dragon. Umatungal sa sakit ang nilalang at mas lalo itong nagwala. Naging malikot ang buntot nito na nasagi pa ang ilang mga kawal. Muli kong tinignan ang babaylan at nakitang naglalabas ng dilaw na usok ang kanyang setro. Ang mga usok na iyon ay naglalabas naman ng mga hibla ng kidlat. Itinutok niya ito sa dragon. "Maling sumugod ka rito, halimaw!" Kasabay ng kanyang pagsigaw ay ang pagbulusok ng malakas na kidlat mula sa setro papunta sa dragon. Ngunit ang akala kong matatamaan ang dragon ay h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD