OLD STORIES RECO 1: Incubus Nights Part 1

4989 Words

"Hannah, hipan mo na ang kandila," nakangiting saad sa akin ni Mama habang nakatapat sa akin ang maliit na chocolate cake. Ipinikit ko ang aking mata at humiling na sana humaba pa ang buhay namin at magkaroon kami ng malusog na pangangatawan. Ngayon ang ika-labingwalong kaarawan ko. Simpleng handaan lang, hindi kagaya ng ibang mga kababaihan na nagpapa-party at may iba't-iba pang pakulo sa kanilang debut. Hindi naman kami mahirap hindi rin mayaman. Katamtaman lamang. Mas inuuna kasi ni Mama ang mga pangunahing pangangailangan namin. Lalong-lalo na't malapit na akong mag-kolehiyo. Ngayon ang huling taon ko bilang isang senior high school student. Mga alas-osto nang gabi natapos ang aming munting salu-salo. Ang bilis 'no? Kami lang kasi ni Mama ang nag-celebrate ng kaarawan ko. Namatay an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD