Nagising ako dahil sa kirot na nararamdaman ko sa aking ulo. Marahan kong iminulat ang mga mata ko pero agad ding napapikit nang masilaw sa puting ilaw ng silid. Amoy na amoy ko ang medisina sa paligid at dinig ko ang tunog ang apparatus. Doon pa lang alam ko na kung nasaan ako. Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Igagalaw ko na sana ang kamay ko nang maramdaman kong may nakahawak dito kaya agad kong tiningnan kung sino. At doon ko nakita si Sull na hawak-hawak ang kamay ko habang nakapatong ang ulo sa gilid ng kama at mahimbing na natutulog. "Love..." malambing kong tawag sa kanya sabay galaw ng kamay ko. Ilang sandali pa ay marahang bumukas ang mga mata niya. Mabilis siyang napabangon nang makitang gising na ako. "Are you okay? May masakit ba?" sunod-sunod niyang tanong. Inilapit ni