Natapos na ang party sa private villa nila Kirito. Sull got wasted. Ang dami niyang ininom. Actually, silang tatlo nina Max at Kirito ang lasing na lasing. They had their fun. Parang bumalik sila sa pagiging teenagers nang malasing na sila. And I am actually happy that Sullivan and Maximo resolved their conflict. Si Kirito naman ay todo iyak na dahil hindi niya talaga matanggap ang pang-iiwan sa kanya ng unang babaeng minahal niya nang totoo. Sa huli, kaming mga babae ang nag-asikaso sa kanila at naglinis ng kalat nila. Well, except for Beatrice. Nasa sulok lang siya para obserbahan kami. Nang makabalik kami sa siyudad ay agad na sinalubong si Beatrice ng mga tauhan niya. They escorted her out of the building. Narinig ko pang tinanong ng mga ito ang babaeng espasol kung bakit may mga pula