"Maya, look after the shop for a while. I'll just go and meet a client for a while," paalam sa akin ni Sir Max nang makalabas siya ng opisina. "O-Okay, sir," nauutal kong sagot dahil hindi pa rin ako nakakapag-move on sa nasabi ko sa kanya. Hindi man namin napag-usapan 'yon, pero malakas ang kutob ko na narinig niya 'yon. "W-What time will you be back?" "I'll be back around 11," sagot niya kaya napatingin ako sa orasan. May isa at kalahating oras pa bago siya makabalik. "I'll get going now," dagdag niya bago mabilis na naglakad palabas. "And don't forget to call me when a potential client walks in!" pahabol niya bago tuluyang naglaho sa paningin ko. Napabuga na lang ako ng hangin nang makaalis na siya. Hindi ko alam kung napapansin ba niya ang pag-iwas ko, pero sana hindi. Ako na kasi