"Gàga ka!" Napangiwi ako dahil sa sigaw ni Diana. Nasa loob kami ng quarters ngayon. Hinila nila akong tatlo matapos na ideklara ni Sullivan ang relasyon naming dalawa. Mabilis nila akong dinala sa quarter namin. Hindi na kami nakisali pa sa activity ngayong gabi. "Bakit hindi mo sinabi sa amin?" may pagtatampo niyang dagdag. "Oo nga, Gina. Kaibigan mo kami kaya dapat sinabihan mo kami," segunda naman ni Stella bago tumitig sa akin. "Wala ka bang tiwala sa amin, ha?" "Kailan lang? Kailan lang naging kayo ni sir?" pahabol naman na tanong ni Abigail. Napabuga ako ng hangin bago itinaas ang kamay ko sa ere. "Saglit. Isa-isa lang, pwede?" sambit ko at bahagyang lumayo sa kanila pero hinila nila ako pabalik sa sahig at pinaupo. "Pwedeng huminga muna ako?" "Hindi!" matigas na sabi ni Diana