CHAPTER 7

2623 Words
NASA BINTANA si Kelly at itinatapik-tapik niya sa kanyang pisngi ang cellphone niya habang nakatanaw sa kabilang kalye.  Naroon kasi ang bahay ni Buwi.  At idini-display na naman ang katawan sa madla habang naglilinis ng kotse nito sa garahe ng bahay nito.  If she didn’t know better, nagpapapansin lang ito sa mga babaeng napapadaan sa labas ng bahay nito.  At ang mga babae naman, nagpapaakit din.  Pinapatulan ang mga simpleng pagpapa-cute nito.   Kunsabagay, talaga namang guwapo ito.  Oo sige na, aaminin na niya iyon.  He has a great smile and a great body.  Kaya kung marami man ang nahuhumaling na babae dito, hindi na iyon kataka-taka.  Plus, he was such a charming jerk.  At aware ito sa mga assets nitong iyon na ginagamit naman nito sa lahat ng pagkakataon para makapang-akit ng mga babae.  What a playboy!  And she hated playboys.  Markado na sa kanya ang mga lalaking gaya nito.  Minsan na kasi siyang nakaranas mabigo nang todo dahil sa isang playboy.   Nakita niyang napapahinto at napapakaway ang mga babaeng residente ng Calle Pogi sa tapat ng bakuran nitong ang tanging tumatayong bakod ay maliliit na halaman ng drawf santan.  Wala dapat siyang pakialam ngunit hindi niya maiwasang maramdaman ang iritasyong iyon habang patuloy itong pinagmamasdang nakikipagtawanan sa mga babaeng iyon.   Nanggigigil niyang hinablot ang teddy bear na ibinigay nito sa kanya kahapon.  “May pa-teddybear-teddybear ka pang nalalaman!  If I know, kaya mo lang ibinigay sa akin ito ay dahil hindi ka makapili sa mga babae mo na pagbibigyan nito.  Hmp!” Hidni na siya nakatiis kaya tinawagan na niya ang numero ng kanilang barangay captain, using her altered voice.   “May ire-report lang akong hindi kaaya-ayang eksena—“ “Kelly, bakit kaya hindi mo na lang kausapin ng maayos si Buwi na huwag na niyang i-display ang katawan niya sa mga babae rito dahil nagseselos ka?” Napasinghap siya.  “Hindi ako si Kelly!  At mas lalong hindi ako nagseselos!  Bakit ako magseselos?” “Isn’t it obvious enough?  You like Buwi.” “I’m don’t—“  Tumikhim siya at ibinalik ang pinababang boses na ginamit kanina.  “I’m not Kelly.” “I have a private investigation company, Kelly,” he said in a bored voice.  “You can’t fool me with a cheap trick by just altering your voice everytime you call in to report Buwi and his…’display’.  So, give me a break, will you?  Kung ayaw mong may ibang nakakakita sa katawan ni Buwi, pagsabihan mo siya.  Makikinig naman iyon sa iyo.” Maang na lang siya ng napatitig sa kanyang cellphone nang dial tone na lang ang sumunod na marinig mula sa kabilang linya.  Pinagbabaan siya ng cellphone ni Buchou!  How dare him!   “At sinabi ng hindi ako nagseselos!” sigaw pa rin niya sa cellphone.  Iritado na siya at hindi mapakali sa loob ng kanyang silid.  “I don’t like him!  At wala akong pakialam kung magburles man siya araw-araw sa harap ng mga babae!  He could stripped off all his clothes for all I care!  Buwisit!” Ang problema, tila nahihirapan siyang kumbinsihin ang kanyang sarili na sumang-ayon sa sinabi niyang iyon.  Kung hindi ba naman siya sira-ulo, sarili na niya ay hindi pa niya makumbinsi.  Nanggigigil na lang niyang pinagdiskitan ang teddy bear na ibinigay ni Buwi.  Pinagsusuntok niya iyon at pinagsisipa.  Kinagat-kagat at sinabunutan.  Walang nangyari.  Nakalma man siya pero naroon pa rin ang nakakairitang katotohanan. That she…somehow…liked him.  To her utter dismay.  “Hindi ito maaari.  Ayoko sa mga playboy.  Mga tinamaan sila ng lintik!” Upang makapag-isip ng maayos, at makumbinsi ang kanyang puso na kalimutan ang kalokohang damdamin niyang iyon kay Buwi, ipinasya niyang maglakad-lakad na muna.  Subalit sa kanyang paglabas ay ang imahe na naman ni Buwi ang sumalubong sa kanya.  He was fixing a kid’s bike in front of his house.  His admirers weren’t there anymore.  But that feelings for she just realized was still there.  Iiwas na sana siya nang mapalingon sa kanya ang bata at kumaway. “Ninang Kelly!”  Si Michael iyon, ang limang taong gulang niyang inaanak.  “Tingnan mo po!  Ganda po bike ko!” “Ha?  A, oo…”  She stopped dead on her tracks when Buwi looked up and he smiled at her. “Ninang, tingnan mo po!” Napilitan na rin siyang lumapit.  Nakangiti pa rin sa kanya si Buwi.  Ang sarap sabunutan ng ungas! “Nasira po, Ninang.  Pero ayos po ni Tito Buwi.  Galing po nya, ‘no?” “Hi, Kelly!” bati nito.  “Dinalaw mo rin ako sa wakas.  Ngayon ka lang kasi nagawi rito sa bakuran ko.” Inismiran lang niya ito upang maiwasan na ang mga ngiting iyon.  “Huwag kang mag-alala.  Hindi na uli ako gagawi pa rito kung ayaw mo akong makita.” “Hindi naman ganyan ang ibig kong sabihin.” “Whatever.” “Ninang, away po kayo Tito Buwi?” Natameme siya sa tinuran ni Michael.  Mabuti na lang at mabilis mag-isip ng alibi si Buwi.   “Hindi, Michael.  Ganyan lang talaga kami maglambingan ni Ninang mo.  Mahal na mahal ako niyan kaya imposibleng magalit siya sa akin.”  Nakangisi uli siya nitong tiningala.  “Hindi ba, Ninang?” “Ninang, love mo po Tito Buwi?” Damang-dama niya ang malakas na t***k ng puso niya nang mga sandaling iyon, lalo na nang isang misteryosong ngiti ang pumalit sa ngisi ni Buwi habang hinihintay din ang kanyang kasagutan.  Peste!  Bakit kailangang ilagay siya ng bubwit niyang inaanak na ito sa hotseat? Ako ang ninang mo! “E…o-oo?” Tumayo na si Buwi bumulong sa kanya.  “You’re not convincing enough, Kelly.” Kakaibang kilabot sa buong katawan niya ang kanyang naramdaman nang dumampi sa puno ng kanyang tenga ang mainit na hininga nito.  Nadagdagan pa iyon nang dumantay ang braso nito sa kanyang balikat.  She knew this feeling!  She recognized this sensation!   Goodness!  She wasn’t just attracted to him!  At mas lalo siyang tila itinulos na kandila sa kanyang kinatatayuan ang dumampi ang mga labi nito sa kanyang pisngi bago bumaling sa bata.   “Ayos na ba iyon, Michael?  Sabi naman sa iyo, mahal na mahal ako ng Ninang Kelly mo.”  Nakangiting tumango ang bata at nag-bike na palayo.  “You can breathe now, Kelly.” Tulala pa rin siya nang lingunin ito.  Ops, bad move.  Because now their faces were only a few inches away from each other.  Hindi na siya nagtangka pang gumalaw.  Kunsabagay, kahit naman kumilos pa siya ay hindi na magbabago ang direksyon ng t***k ng kanyang puso.  It was falling for him, every passing second. “Bakit mo ako…hinalikan?” naitanong na lang niya. Nagkibit-balikat lang ito.  “I just had to.  Kung hindi, sasama ang image mo sa harap ng inaanak mo.  Ayokong mangyari iyon, siyempre.  Dahil ako rin naman ang madadamay.” Iyon lang?  Iyon lang ang masasabi nito?  Somehow, that question got into her nerves.  No, not the question.  But Buwi himself.  At iyon ang nakapagpabalik sa katinuan niya, so to speak. “Kung ayaw mong madamay, lumayo ka sa akin.” “Okay.”  Tumango pa ito ngunit hindi naman ito lumayo sa tabi niya.  Hindi rin nito inalis ang pagkakaakbay sa kanya. “You’re still here.” “Hmm.”  And his handsome face was still so near hers it was affecting the function of her brain, and her heart. No doubt, she was doomed.  Ang mga pagwawala niya sa tuwing nakikita itong may kasamang babae, ang iritasyong nararamdaman niya kapag nakikipag-usap o nakikipagtawanan ito sa kung sino-sinong babae, ang kaguluhan ng puso at isip niya sa mga ngiti at tingin nito, ang lahat ng iyon na matagal na niyang nararamdaman, ngayon lang nagkaroon ng linaw sa kanya ang lahat.  Dahil sa tuwing makikita niya ito, lihim na palang bumibigay ang puso niya.  And it doesn’t care if he was a playboy or not.  Shucks! Pinalis niya ang braso nito sa kanyang balikat.  “Huwag mong painitin ang ulo ko, Buwi.” “Kelly.” “Buwi.” Ngumiti lang ito.  “Ngayon lang ako nakalapit sa iyo ng ganito.” He’s a playboy and he’s the biggest flirt in the world!  Walang dahilan para mahulog ang loob ko sa kanya! “O, e, ano naman ngayon sa akin?” pagtataray niya.  Naglakad na siyang palayo.  Ngunit pinigilan pa rin siya nito sa kanyang braso.  “Sino ang nagsabi sa iyong puwede mo akong hawakan nang walang pahintulot?” “Hmm.  Alam kong may katarayan ka noon pa man, Kelly.  Pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip kong maaari ka ring magkaroon ng matigas na puso.” “Huwag kang mag-alala.  Ganito talaga ako sa mga lalaking gaya mo.”  She had to congratulate herself for being this composed.  Hindi halatang katatapos lang niyang matuklasan ang tunay niyang damdamin para rito.  “Excuse me.  Pero marami pa akong gagawin.” Binawi na niya ang braso niya rito.  Mabuti na lang at hindi na ito nagpilit pang pigilan siya.  Dahil baka kung ano lang ang masabi niya rito, pagsisihan pa niya iyon sa buong buhay niya.  Pero…talagang nahulog na ang loob niya rito?  Anak naman ng pating!  Maraming guwapo at mabait na hindi playboy sa kanilang lugar, bakit kailangang ito pa ang matutunan niyang mahalin? Napalingon siya sa nadaang bahay na tila guguho na anomang oras.  Iyon ang bahay ng banking tycoon na si Ryu.  Nakita niya itong nakatalungko sa gitna ng bakuran nito at tila sinusuyo ang isang pusa na nakamasid lang dito.  Hindi niya akalaing ang isang tulad nitong suplado, seryoso at halatang hindi nagpapakumbaba basta-basta, hayun at nakaluhod sa harap ng isang pusa.  At ito pa mismo ang tila sumusuyo sa hayop.   Naisip niya ang kanyang sariling sitwasyon.  Would she also be willing to lower her pride and accept the fact that she finally did fall for the one person she should not be falling with? “Kelly.”  Nakasunod na pala si Buwi nang hindi niya namamalayan.  “Siguro dapat na tayong mag-usap.” “Tungkol saan?” matabang niyang tanong. “Tungkol sa ating dalawa.” “Ano naman ang tungkol sa ating dalawa?” Napabuntunghininga ito.  “Alam kong ikaw ang nagpapainit sa ulo ni Buchou sa pagre-report sa akin ng kung ano-ano.  Bakit imbes na pag-initan mo ako, hindi na lang natin subukang magkasundo?” “Ayoko.” “Puwedeng malaman kung bakit hindi mo magawang lumamig ang ulo sa akin?” “Wala akong dapat na ipaliwanag sa iyo.”   “I think you have.” “Leave me alone, Buwi.” “No.” Nagsalubong ang mga kilay niya.  “Gusto mong maghalo ang balat sa tinalupan?” “What is wrong with you?”  He gave out a frustrated sigh.  “Bakit ang init ng dugo mo sa akin?  As far as I know, wala naman akong ginagawang masama sa iyo.  In fact, sinisikap ko pa nga na magkipaglapit sa iyo.  Pero bakit ganyan ka pa rin sa akin?” Nag-iwas siya ng tingin.  “Nasabi ko na.  Wala akong dapat na ipaliwanag—“  Hinawakan siya nito sa kanyang braso nang akma niya itong tatalikuran.  “What the hell do you think you’re doing?” “Nagsasawa na ako sa kakahabol sa iyo.  Ang gusto ko lang naman ay magkasundo tayo.”   “Ayokong makipagkasundo sa iyo!”  Sinubukan niyang makawala rito.  Pero walang nangyari. “Hindi kita pakakawalan hangga’t hindi ko nalalaman ang puno’t dulo ng pagkadisgusto mo sa akin.  Sa lahat ng tao rito sa Calle Pogi, ikaw lang ang nag-iisang mainit ang dugo sa akin.” “Ano ba ang pakialam mo kung mainit ang dugo ko sa iyo?  E di iwasan mo ako—“ “Hindi matatapos ang problemang ito kung mag-iiwasan lang tayo.” “Bakit ba pinapalaki mo ang isyung ito?” “Dahil sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip ng maaaring dahilan ng galit mo sa akin.  Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang nagawa kong mali sa iyo at nang maayos na natin agad iyon.” Paano niyang masasabi iyon kung ngayon nga lang din niya naintindihan ang lahat ng nararamdaman niya para rito?  Na ang inakala niyang simpleng pagkaasar lang dito ay may mas malalim na palang kahulugan. “Let me go, Buwi,” seryoso niyang utos.  “Wala akong panahong makipagbiruan sa iyo.” “Hindi rin ako nagbibiro.  I want to fix this problem.  Our problem.” Isang babae ang napadaan sa kabilang panig ng kalsada.  “Hi, Buwi!” “Hi, Loren.” Naglaho ang lahat ng composure niya.  Naniningkit ang kanyang mga mata at nanggigigil niyang binalingan si Buwi nang makaalis ang babae.   “Leave me alone!”   Nakawala siya agad nang bawiin uli niya ang kanyang braso.  Subalit talaga yatang walang balak na basta na lang siya hayaang makalayo ni Buwi.  Kumilos na ng reflexes niya nang tangkain uli siya nitong hawakan.  She had grabbed his arm and positioned herself a foot away from him.  With her free hand, she poised to strike his abdomen.  Madali sa kanyang gawin ang lahat ng iyon dahil minsan na siyang naging estudyante nito noon sa taekwondo sa pag-aari nitong martial arts gym.  And he had taught her well.  Kaya naman kayang-kaya niyang makipagsabayan sa galing nito.  Pero dahil estudyante lang siya nito sa martial arts, natural lang na madali lang din dito na i-counter ang atake niya. Natigilan silang pareho nang magkabaliktad ang posisyon nila nito.  He was now the attacker.  Gaganti nga sana uli siya nang marinig niya ang boses ni Ryu. “I never really liked it when lovers fight,” wika nito.  Karga na nito ang maliit na pusa.  “There’s a proper way for you to break each other’s bones, you know.  Magsuot kayo ng uniporme at doon ninyo sa gym ipagpatuloy iyan.  Maraming bata ang makakakita sa inyo kung dito kayo magpapatayan.  At least kung nandoon kayo sa gym, hindi nila iisipin na gusto na ninyong burahin ang pagmumukha ng isa’t isa sa mundong ito.  Buwi, you should have known that better than anyone.  Ikaw ang nagtuturo sa mga bata rito ng taekwondo tuwing Linggo.” “I’m not fighting with Kelly.”  Still holding her captive, he looked at her.  His expression softened.  “I don’t want her to get hurt.” “Bahala na nga kayo sa mga buhay ninyo.”  Pumasok na ito sa bahay nito habang hinahaplos ang pusa.  “Huwag kang didikit sa mga sira ulong gaya ng mga iyon, Karupi.” Naiwan silang nagtatantiyahan pa ni Buwi.  I don’t want her to get hurt.  Iyon ang mga salitang binitawan nitong umabot sa kanyang puso.  Ngunit nagmatigas pa rin siya. “Kelly?” Naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakahawak nito sa kanya kaya nagkaroon siya ng pagkakataong makawala rito.  Hinarap niya ito.   “Magkita tayo sa covered gym,” aniya.  “Kapag natalo kita sa laban, bahala ka kung anong gusto mong gawin.  Kapag nanalo ako, lalayo ka na sa akin at hinding-hindi na lalapit pa.” “Ikaw naman ang lumapit sa akin kanina—“ “Hindi kita nilapitan!  Napadaan nga lang sabi ako—“ “Pareho lang iyon.”  He put his hands on his hips and smiled at her.  “Okay, magkita tayo sa gym.  Wala ng bawian ng usapang ito, ha?  Because I’ll definitely win this one.” “Yeah, right.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD