"Gaston?" Napakunot ang nuo ni aling melva ng makita niya si Gaston ang tatay ni Abby. Nasa gate ito ng mansyon. "Aling melva long time no see.." ngumiti ito at lumabas ang madidilaw nitong ngipin. Hangang ngayon hindi padin nagbabago ang mukha nito. Nakakatakot padin at mukhang masamang tao , Kung mag aartista ito papasa ito bilang kontrabida sa FPJ ang probinsyano. Nakasuot pa ito ng jacket na binili siguro nito sa ukay ukay. Eto ang asawa ng kanyang kapatid, Ito ang tatay ni Abby. Unang kita niya palang sa pagmumukha nito alam na niyang masama itong tao. At hindi siya nagkamali dahil mukhang pera ito at mahilig mag sugal "A..Anong ginagawa mo dito gaston?" Tinapon nito ang tutpik na kanina pa siguro nasa bibig nito. Malaking tao si gaston at maskulado ito, Kahit sino sa kanilang