Pag dating ni Abby at aling melva sa loob ng event hall ng mansyon madami ng ibat ibang mga bisita. nakasuot din ang mga ito ng ibat ibang gown at tuxedo. Madami din photographer sa paligid. "Tiya ang dami hong tao.." "Ganon talaga anak dahil lahat ng kamag anak ng mga katulong natin kasama sa party na ito.. at saka madami talagang kaibigan si madam wendelaria.." bulong ng tiya melva niya Napalunok siya dahil nahihiya siya. "Tiya nakakahiya ho.." "Ano ka ba anak. Baka nasa loob na si jerome.. Halika na" Napabuntong hininga siya. Sa totoo lang nagtatampo siya kay jerome. Sabi nito kaninang umaga isasabay sila nito papunta sa mansyon ngunit nag text ito sakanya na madami pa daw itong tatapusing trabaho kaya pinapauna na sila nito. "Oh my God abby??" Sabay silang napalingon kay Mr