Chapter 25 Pag balik ni Jerome nakaupo si Abby sa sofa at patawa tawa pa siya habang nanunuod ng movie. Higit sa lahat halos maubos na niya ang pizza ni jerome Hindi niya napapansin nasa likod niya si jerome at nakabalik na ito. "Enjoy ka?" Bulong nito sakanya "Hahaha. Ay oo sobrang nakakatawa ho itong movie--Ayyy!! Jerome nakabalik ka na pala" Napatayo agad siya sa sobrang gulat. Naihagis agad niya ang pizza na hawak hawak niya sa mismong box ng pizza Ngumiti si Jerome sakanya na parang naiinis na ngiti "T..Tinikman ko lang ho yung ano.. yung pizza mo" kinabahan siya ng sobra akala niya mamaya pa ito babalik. "Ang galing. Halos maubos mo na yung pizza ko. Tapos tikim lang yun?" Naningkit ang mga mata nito "E. Eh hehe napasarap ho yung tikim ko pasensya na ho?" napatabinge ang ngit