Chapter eight "Bakit niyo po ba ako binilihan ng mga damit?" "Hindi ko din alam." balewalang sagot ni Jerome habang kumakain sila Napili nilang kainan ang jolibee. Dahil ngayon lang siya makakatikim ng chicken joy dito. Mabuti nalang pumayag si Jerome na dito sila kumain. Pero ang problema siya lang pala ang papakainin nito dahil nakasuot padin ito ng mask "Hindi niyo po alam? Baka naman ikaltas niyo sa sweldo ko yun ha?" paninigurado niya Pakiramdam niya napangiti ito , hindi niya lang makita ang bibig nito dahil natatakpan ng face mask "Segurista ka pala?" "Aba syempre naman. Worth seventy thousand ho yung pinamili mo sakin mga damit. Baka ilang buwan bago ko yun mabayaran sayo" Patuloy lang siyang kumain ng spagetti habang nakatingin lang ito sakanya "Hindi mo naman babayaran sa