NASORPRESA si Andrew nang madatnan sa bahay nila si Aldrin. Nakipag-inuman ito sa daddy nila sa lobby.
“Join us, Andrew,” yaya ng kaniyang ama.
“Pass muna, Dad. I want some rest and sleep early,” aniya. Sinipat lang niya si Aldrin.
“Halika rito, bro. Minsan na nga lang tayo magkakasama, iiwas ka pa,” ani ni Aldrin.
“Pagod na ako. Maaga pa ang alis ko bukas.”
“Napagod ka kakabuntot sa amin ni Malia?” anito, na pumigil sa kaniya sa paghakbang.
Napansin na nga siya nito. Ginupo na siya ng inis. “I’m just ensuring you won’t flirt with Malia, Aldrin.”
“Isn’t your business anymore, Andrew. Malia needs someone to comfort her, to heal her hurt that you broke.”
Awtomatikong umakyat ang inis sa ulo niya. “And do you think you are helping her?” nauurat nang buwelta niya.
“I’m trying, bro. At tigilan mo ang pag-stalk sa kaniya dahil kapag nalaman niya iyon, lalo mo lang siyang pahihirapang mag-move on! Unless you felt guilt and regret about losing her, don’t be stupid, brother.”
Hindi siya nakapagtimpi at akmang susugurin ang kapatid ngunit namagitan ang kanilang ama.
“Enough!” Singhal ng ginoo. “Minsan na nga lang kayo magkita, nag-aaway pa kayo! Wala na bang katahimikan ang pamilyang ito?”
Naikuyom niya ang kaniyang mga palad at piniling iwan na lamang ang ama at kapatid. Dumiretso siya sa kaniyang kuwarto. Mabuti na lang wala si Tyron kundi may say na naman iyon sa nangyari.
He still can’t get over what Aldrin really wants from Malia. Hindi naman nito gusto ang dalaga. At never niyang nalaman na may concern sa mga babae ang kapatid niya. Wala nga itong ginawa kundi magpaluha ng babae.
Napaisip siya. Maari kayang nama-manipula rin ni Tyron si Aldrin? Pero imposible. Hindi maaring makipag-usap o magpakita si Tyron sa ibang tao na walang special ability.
Pumasok siya ng banyo at nagbabad sa bathtub. Kailangan may gawin siya upang lubayan siya ni Tyron. Hindi na maganda ang pagmanipula nito sa isip niya. Kung busy siya, nililimitahan din ni Tyron ang paglapit sa kaniya. And he got an idea. He will be going to accept all the endorsement offers to him.
Dalawang linggo ang lumipas. Pumirma si Andrew ng dalawang kontrata sa magkahiwalay na kompanya na for product endorsement. He also accepted the regular fashion show. And he set his timeline equally between his passion, job, and business.
Dumating din si Megan at napadalas ang labas nila sa gabi. Umaaligid pa rin sa kaniya si Tyron pero hindi niya binibigyan ng pagkakataong maabala siya. Umaasa siya na magsasawa rin ito. Pero mali siya dahil hating gabi kung kailan patulog na siya ay saka ito manggigising.
“Bakit ba?” inis na tanong niya. Naalimpungatan siya sa malamig na hanging dala ni Tyron.
Nakatayo lang ito sa tabi niya. “Hindi mo ako maiiwasan, Andrew,” sabi nito, humalukipkip.
Napaupo siya. “Tyron, napapagod na ako sa ginagawa mo. Can’t you observe how busy I am? I need to work hard for my future.”
“Your selfish future desire, Andrew. Ang sabihin mo, hindi ka pa makuntento sa karangyaang tinatamasa mo. Pero ang tanong ko, masaya ka ba?” usig nito.
Napatda siya. Inaamin niya na masaya siya sa walang tigil na blessing, ang pag-unlad ng negosyo niya, ng kaniyang career, napasaya ang kaniyang ina, but deep inside his heart, something is missing. He doesn’t even know how to feel free and contented.
“I’m happy,” he said in a cold voice.
“Sinungaling. Alam kong hindi ka masaya, Andrew.”
“And so what? It’s not your concern, Tyron. Pursuing me to win back Malia into my life won’t help me feel happy. It’s pushing me into the worst regret and sadness. It made me sick!” may pait sa pusong pahayag niya.
Yes, he has never been happy giving up on Malia because it’s the hardest decision he ever made.
Hindi siya nakatakas sa pag-init ng sulok ng kaniyang mga mata. All he wants at the moment is to let out the tears he refused to set free in the middle of difficulties in his life. He always depended on his goal and love for his mother.
“You’re weak. Ikaw lang din ang magpapahirap sa sarili mo, Andrew. And letting go of good things may bury you in the darkest side of your life. Pero hindi pa huli ang lahat para magising ka sa katotohanan. Okay lang maging mapagbigay, pero ang ubusin mo ang sarili mo para sa kapakanan ng iba ay hindi maganda. Once ubos ka na, wala ka nang magagawa para sa oras na kailangan mo ring maging masaya. Poor, Andrew. Mas naaawa na ako sa ‘yo kaysa kay Malia,” litanya nito. “Maari ka nang matulog,” anito saka naglaho.
Humiga naman siyang muli ngunit hindi na niya mabawi ang antok.
LATE na naman sa meeting si Andrew. At pagpasok niya ng conference room ng AAC ay nagulat siya nang makita si Malia na isa sa makakasama nila. Hindi pa siya aware kung para saang project ang pag-uusapan nila. Pero hindi naman lingid sa kaalaman niya na isa si Malia sa script writers ng network.
Mukhang ito ang unang pagkakataon na pagbibidahan niya ang kuwentong isinulat nito. Lumuklok siya sa tabi ng co-artist niya na makakasama sa bagong project.
“So, before we discuss the casting, I will give the head writer a chance to choose who she thinks has fit in the protagonists' roles,” sabi ni Direk Gabby Salvacion.
Napatingin siya sa hanay nila Malia. Mamaya ay tinawag ng movie producer manager si Malia. Hawak nito ang makapal na script.
“Ms. Malia, what do you think? I know you’re good at matching the fictional character from the real artist,” sabi ni Mr. Herman Baltazar.
Nabaling sa kanila ang tingin ni Malia, tila namimili. Kasama pa naman niya ang nag-trending sa social media na si Aaron Torres. Malaking project ang offer dahil original idea ng writer ang story, pero bago ito naisalin sa TV script ay sumikat na ang libro sa online reading platform. Umani ito ng fifty million reads.
At laking gulat niya nang malamang si Malia ang head writer ng kuwento. Ibang pen name ang ginamit nito sa online writing platform.
“This project was memorable, and I love the story. Mas mag-gain ito ng audience kung itutugma natin sa characteristic ng artist ang male protagonist since the story was about him. And I will choose Aaron to lead the male protagonist’s role,” ani ni Malia. “Malaking impact ang biglang pagsikat ni Aaron sa social media, at gusto siya ng new generation, and the story itself gain millions millennial readers. So I think mas bagay sa kaniya ang role,” she added.
“I agreed,” gatong naman ni Direk Gabby.
Pakiramdam ni Andrew ay namimersonal na si Malia. Mas marami siyang followers kaysa kay Aaron, at alam nito na flexible ang acting skills niya. Ang ending, naging second lead siya. Pinili rin nito ang actress na inili-link kay Aaron. Hindi na rin siya nagtaka bakit sumang-ayon si Direk Gabby. Mahilig itong dumikit sa artist na biglang usbong sa industriya at lalong pinasisikat.
Hindi naman siya mapili ng role, basta maayos, tinatanggap niya. Nang ma-finalize na ang casting ay nagpirmahan na sila ng contract. Nagtataka siya bakit biglang pinasok ni Malia ang online writing platform. Dati ay diretso na itong nagsusulat sa traditional publishing house.
At bakit ba niya iyon kinukuwesyon? Wala na siyang karapatan sa buhay nito. Marami na ang nangyari matapos ang aksidenteng kinasangkutan niya, na dahilan bakit napalitan ang kaniyang cornea. Tahimik din si Malia, at maaring ginamit nito ang pananakit niya upang makapagsulat ng maraming nobela. Lalo itong na-motivate na magpatuloy at abutin ang pangarap nito.
Pagkatapos ng meeting ay dinumog ng co-artist niya si Malia. Todo pasalamat dito si Aaron at ang iba pa. He must be thankful, too, because Malia still chose him to be part of the project. Hinintay niyang mapag-isa ito bago nilapitan.
“Malia,” pigil niya rito nang sana’y paalis na.
Huminto naman ito at hinarap siya. “Sorry if I didn’t choose you for the protagonist role,” anito.
“No, you don’t need to say sorry. Tama ka naman, mas bagay kay Aaron ang role. Gusto ko lang magpasalamat dahil parte pa rin ako ng project,” agap niya.
“Kay Direk Gabby ka magpasalamat dahil napili ka niya sa casting.”
Tumango lang siya. “Sige, pero salamat pa rin. I didn’t expect that you also write on the online writing platform.”
“Gusto ko lang mag-explore. Uh, maiwan na kita. May pupuntahan pa kasi ako,” sabi nito saka lumisan.
Napansin din niya ang kakaibang aura ni Malia. She acts casual, even talking to him. Wala na iyong lungkot na madalas niyang makita sa tuwing matitigan ito sa mga mata. He’s happy to notice that Malia has found her comfort zone. Besides, it’s a bit changing for him.
Ang mga bagay na gusto niyang makita noon sa dalaga ay ngayon lang niya napansin kung kailan wala na sila. Malia once a busy, honor student. Kahit boyfriend na siya nito, priority pa rin nito ang pag-aaral. He motivates her, at iyon ang hindi niya maaring itapon.
Malia gradually changed her lifestyle and became inspired by her new path. Matagal na nitong pangarap na balang araw ay mapapanood sa big screen ang mga akdang isinulat nito. At isa rin sa hiling nito na sana ay mangyaring siya ang gaganap sa bawat nobela nito na maisapelikula o TV series.
Ngunit tila nagbago na ang pangarap nito. Hindi na siya kasama roon. Paglabas niya ng conference ay sinalubong siya ni Megan.
“Hi, babe! Is your meeting done?” tanong nito at ikinawit ang mga kamay sa leeg niya.
“Yes,” he said.
Nahagip ng paningin niya si Malia na kausap si Direk Gabby at Aaron. Napasulyap din ito sa kaniya ngnit biglang umiwas nang halikan siya ni Megan sa bibig.
“Let’s have snack first, sagot ko,” ani ni Megan nang maghiwalay ang mga labi nila.
“Sure. Where do you want to dine?” he asked.
“Um, I found a new restaurant near here. They had a private dining room so we would have privacy, no camera.”
“Okay. Let’s go then.”
Kumapit ang kamay nito sa kanang braso niya. Wala na siyang appointment kaya maari na siyang gumala.
Pagdating sa parking lot, pagbukas ng kaniyang kotse ay nagulat siya sa nakita. “Tyron!” bulalas niya, napaatras.
Awtomatikong kumabog ang dibdib niya. Nakaupo si Tyron sa harap ng manibela. Kung hindi pa siya tinapik ni Megan sa balikat ay hindi siya mahihimasmasan.
“Hey! What’s wrong with you?” tanong nito.
“Uh, nothing. Just get in,” aniya.
Lumipat naman si Tyron sa backseat pero tahimik lang na nagmamasid. Alam niya may balak na naman ito kaya biglang nagpakita. Hindi siya makapag-focus sa mga sinasabi ni Megan dahil nadi-distract siya ng presensiya ni Tyron. Naroon ang kaba niya na baka may gawin itong hindi maganda na ikapahamak nila. Napa-paranoid na siya.