MALIA can’t get over the painting she saw in the hotel. And why did Aldrin paint her without permission? It’s odd. Aware siya na malaya ang mga artist na isalin sa obra nito ang mga bagay na nakikitang maganda, pero kapag imahe na ng totoong tao, kailangan nito ng permiso. Okay lang sana kung for personal collection, pero ang ibenta at naka-display pa sa isang establishment? Ibang usapan na iyon. Hindi niya malaman kung maiinis o matutuwa siya sa ginawa ni Aldrin. Kailangan niya ng paliwanag mula rito. Pero bago iyon, ang problema sa production ng movie ang dapat niyang tutukan. Nagkaroon sila ng meeting ng staff sa conference, hindi kasama ang casts ng movie. “I can’t take it,” disappointed na sabi ni Direct Gabby. “Ano ba ang nangyari?” tanong niya sa katabing production manager. “A