NAPABALIKWAS ng upo si Andrew nang marinig ang tinig ng babae mula sa labas ng bahay. Tinatawag nito si Malia. Si Laiza kaagad ang naisip niya. Ginupo na siya ng kaba. “Malia! Are you there?” tawag nito ulit. Mahimbing pa ang tulog ni Malia. Ring nang ring ang cellphone nito. Patakbong lumabas siya ng kuwarto at kinuha ang kaniyang cellphone sa center table. Sumilip siya sa bintana. Si Laiza nga ang tumatawag. Lagot na! Kapag pumasok ito, makikita siya nito at ang kaniyang kotse. Huwag lang itong lumipat sa dulo ng gate kundi ay masisilip nito ang kotse sa garahe. Bumalik siya sa kuwarto at ginising si Malia. Umungol lang ito. Alas sais pa lamang ng umaga. Ang aga namang pumunta roon ni Laiza. Hindi niya tinigilan ng pag-alog ang balikat ni Malia hanggang sa magising ito. “Bakit?” mata