Chapter 11

2376 Words

NAPASINTIDO si Malia nang magising siya kinabukasan. Pakiramdam niya’y mabibiyak ang kaniyang ulo. Tumatagos na ang sinag ng araw sa bintana dahil hindi nailadlad ang kurtina. Nang humupa ang kirot sa ulo niya ay saka lang niya napansin ang suot niyang damit. Kinapa-kapa pa niya ang kaniyang dibdib at sinilip sa loob. Ibang bra na ang suot niya! “Teka, sino ang nagpalit ng damit ko?” natatarantang tanong niya sa kawalan. Inamoy niya ang kobrekama, mapanghe. Inalis niya ito maging ang kumot. Pagpasok niya ng banyo ay naipon sa basket ang hinubad niyang damit na suot niya noong gabi. Wala siyang maalala maliban sa huling kausap niya si Aldrin sa bar counter. Nagmumog siya, naghilamos saka lumabas ng kuwarto. Alas otso na ng umaga. Mabuti hindi pa nakaalis si Melanie. Nag-aalmusal ito. “O

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD