HINDI nakatakas si Andrew nang abangan siya ni Megan sa AAC building. Napasugod siya roon dahil tumawag ang manager niya at gusto siyang makausap. Iyon pala ay si Megan ang nagpatawag. Wala siyang choice kundi sumama rito sa bahay ng mga ito upang mag-dinner kasama ang parents nito. Plano sana niyang dalawin ang mommy niya bago umuwi pero mukhang mauubos ang oras niya sa pamilya ni Megan. Hindi sinasagot ni Malia ang mensahe niya, malamang ay busy na ito sa bonding kina Laiza at Andrew. Ito ang laman ng isip niya habang kausap ang parents ni Megan. “How’s your mother, Andrew?” tanong ng mommy ni Megan. Katatapos lang nilang maghapunan at nagsasalo sa red wine. Hindi niya maaring sabihin dito ang totoong kalagayan ng kaniyang ina. “She’s fine,” tipid niyang tugon. “Is it true that you