HINDI makapaniwala si Malia na nagawang umapela ni Jerom sa isyu nila ni Andrew. Wala naman itong kinalaman pero inako nito ang responsibilidad at napatay kaagad ang isyu. Itinigil muna ang taping nila kaya kumuha na ng hiwalay na hotel suite si Malia. Nagmukmok siya sa kuwarto at nanood ng movie. Wala siya sa mood magsulat ng nobela dahil sa hindi mawaring emosyon. Mabigat sa loob niya na bumitiw sa relasyon nila ni Andrew. Pero naniniwala siya sa destiny, and she will never lose hope. Tumunog ang kaniyang cellphone para sa mensahe. Nagmula kay Jerom ang mensahe. Nagyaya itong mag-dinner sa beachfront restaurant. In-off niya ang telebisyon at lumabas dala lamang ang kaniyang cellphone. Pinuntahan niya si Jerom sa restaurant. Pagpasok pa lamang niya sa pintuan ay kumaway na si Jerom. Wa