KASABAY sa paglaho ni Tyron, naglaho na rin si Ania. Magkahiwalay ang liwanag na sumundo sa mga ito pero iisa rin ang pupuntahan. Masaya na siya na magkasama pa rin sina Tyron at Ania sa kabilang buhay. At kahit papano ay magkasundo na ang mga ito. Bago sila tumuloy sa Palawan para sa honeymoon ay dumalaw muna sila sa puntod ni Tyron. Kasama nila ang ina ni Tyron na ninang din ng kasal nila. “Nalagay na rin sa tahimik ang kaluluwa ni Tyron. Masaya siyang umalis,” sabi niya matapos nilang mag-alay ng dasal. “Tama ka, hijo. Bagpakita ulit sa akin si Tyron at masayang nagpaalam. Ang gaan na ng pakiramdam ko. Salamat din sa inyo ni Malia,” anang ginang. “Salamat din po dahil naniwala kayo sa amin,” aniya. Umalon ang dibdib ng ginang. “Naging sarado ang isip ko dahil sa lungkot at hindi ma
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books