ILANG minuto nang nasa loob lang ng kaniyang kotse si Andrew at hindi pa rin umaalis sa garahe ng AAC building. Nakaalis na sina Aldrin at Malia at hindi niya gusto ang pakiramdam na tila inagawan siya ng paborito niyang pagkain. Malia chose Aldrin, and she ignored him. Kumislot siya nang biglang sumulpot si Tyron sa tabi niya. Alam niya ito ang may kagagawan sa pagtigil ng elevator dahil naroon ito sa loob. “Bakit hindi mo sila sinundan?” tanong nito, tinutukoy sina Malia at Aldrin. “For what?” inis niyang untag. “Para matiyak na safe si Malia.” “She’s safe.” “Hindi magtatagal ay mahuhulog ang loob ni Malia kay Aldrin, iyon ay kung hahayaan mo sila. Pagkakataon mo na ito, Andrew. Napapalapit na ulit sa ‘yo si Malia.” Bumuga siya ng hangin. “Nakialam ka na naman kasi! Ang ginawa mo