TUMAMBAY sa sala sina Malia at Andrew. Pabor sa binata na manatili sa bahay ni Malia hanggang mag-umaga. Naroon na naman ang dalawang multo at gustong takutin si Malia upang huwag siya nitong pauwiin. Nag-text naman siya sa kaniyang ina na mag-uumaga siya uuwi. Hindi na niya sinagot ang tanong nito na bakit. Nanood sila ng movie sa telebisyon na nakakonekta sa movie player. Mahilig si Malia sa melodrama, while him loves science fiction or thriller movie. Naging cast na rin siya sa local thriller movies, pero karamihan ay drama at action. “Inaantok ka na ba?” tanong ni Malia. Magkatabi sila nito sa sofa. “Uh, medyo. Pero ayaw kong matulog nang ganito kaaga. Magigising din kasi ako ng alanganing oras,” aniya. “Baka mainip ka. Puwede kang umidlip.” “Okay lang.” “Or palitan natin ang mov