Kabanata 27 Eyes are the windows to the soul, they say. Hindi ako naniniwala sa kasabihang iyon. Para sa akin ay imposibleng makita ang saloobin ng isang tao sa pamamagitan ng mga mata. Pero ngayong si Daniel na mismo ang nagsasabi, pakiramdam ko ay wala na akong dahilan o rason para hindi maniwala. Are my eyes too expressive? Masiyado ba akong ibinibisto ng mga mata ko na mahal ko pa rin siya? Totoo. Mahal ko pa siya. Mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon pero hindi niya na kailangan malaman pa. Telling him that I am still in love with him won't do anything good to us. It's futile. Kapag sinabi kong mahal ko pa siya, aasa lang siya na puwede pa kami, na may pag asa pang magkabalikan kami kahit pa wala na. Hindi ko puwedeng biguin ang mga magulang ko. I agreed to that marriage