Kabanata 16 Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko habang papalapit ng papalapit ang sasakyan namin sa mismong mall ng Megaworld. I've never been excited going out, ngayon pa lang. At ako mismo ay alam sa sarili ko kung bakit ako nasasabik ng ganito. "Manong Dencio, huwag mo na ako hintayin, ha? Baka kasi matagalan pa ako. Magtetext na lang ako sa'yo kagaya ng kagabi." sabi ko sa kanya habang abala siya sa pagmamaneho. I saw his wrinkled eyes moved to the rearview mirror. "Ikaw ang bahala, Ma'am Cheska." Tipid ang naging ngiti ko. "Salamat nga pala, Manong. Hindi mo ako isinumbong kela Mommy tungkol kagabi." Bago mag-alas dose kagabi ay bumalik na kami ni Daniel sa mismong bahay nila Amanda. I was tensed when I saw Manong Dencio leaning against our car as if he's already waiting for me.