THIRD PERSON'S POV Biglang tumakbo palayo si Louie nang makita niyang napatay niya ang babaeng tinuring niyang totoong kaibigan noon pa man. Hindi totoo ang mga sinabi niyang parte lang ng plano ang mga bagay na ipinakita niya at mga salitang binitiwan niya kay Erl noon, dahil ang lahat ng iyon ay totoo. Si Erl ang naging sandigan niya sa tuwing nangangailangan siya ng taong malalapitan upang maibsan ang kalungkutang nadarama sa tuwing maaalala ang malagim na sinapit ng kaniyang pamilya nang paslangin ito ni Vernon. Ang tanging dahilan lang kung bakit siya nabuhay ay upang pagsibilhan ang huli. Tumakbo siya palayo. Malayong-malayo upang takasan ang katotohanang unti-unting pumapatay sa kaniya. Ang katotohanang pinatay niya ang babaeng naging dahilan para mabuhay siya sa kabila ng lahat n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books