VLAD’S POV Tahimik akong kumakain kasama sina Alli, Erl at Amanda na walang tigil sa pagsasalita kahit na may laman ang bibig nito. Alam kong nabigla si Erl sa bwisita ko, pero pinag kibit-balikat nalang niya 'yon. "You're so galing talaga mag cook ng food Alli, I am so nasarapan pero mas masarap parin ang dugo for me" "Dugo?" Takang tanong ni Erl kaya pinandilatan ko ng mata si Amanda, napaka daldal niya talaga. "Ang ibig niyang sabihin ay dinuguan, masarap magluto si Alli ng dinuguan" pagpapaliwanag ko. "Ahh, ako ayaw ko sa dugo... Naiimagine ko kasing para akong bampira" sagot nito. "Exactly that's why it's masarap! Kasi Erl kam---" tinakpan ko na ang bibig ni Amanda dahil may balak pa yata siyang sabihin sa alipin ko ang sikreto namin. "Huh?" "Ah si Lady Amanda po kasi ay mahi