CHAPTER 7

1697 Words
Serenity's POV Pagkababa ko pa lang ng sasakyan hindi ko na mapigilan ang kabahan. Makikita ko na siya, ang lalaking matagal ko ng namimiss ang lalaking gusto kong makasama ulit. Alam ko magagalit siya dahil sa pang-iiwan ko sa kaniya noon. Umaasa pa din ako na maiintindihan niya ang rason ko. Habang naglalakad ako papasok sa School kung saan ako nag-aral noon. Lahat ng mata ng mga estudyante nakatuon sa akin. Kilala ako ng iba dahil isa ako sa mga Student President noon. Kung noon kapag nakakasalubong ko sila at nginingitian nila ako ngayon ay masamang tingin ang nakikita ko. Alam ko naman alam na alam ko na wala na akong lugar dito. Pero masama bang bumalik? Masama bang itama ko ang mali kong nagawa noon. Hindi pa naman siguro huli ang lahat. Nalaman ko sa iba naming kaibigan na single pa din si Vex. Sobrang tuwa ko ng malaman ko iyon kasi may pagkakataon pa akong itama ang lahat. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng makita ko si Vex at kung hindi ako nagkakamali si Scarlet ang kasama niya. Papalapit sila sakin kaya nagtago ako sa may puno sa gilid. "Kuya who's that girl ba?" narinig kong tanong ni Scarlet "Si Nerdy nga wag ka nga makulit paulit-ulit ka sa tanong mo." "Eh? Why kasi ganun kayo kanina." "Pinagtanggol ko lang siya okay? Halika ka na malalate na ako." Hanggang sa makalayo sila at sinundan ko ng tingin. Napaisip tuloy ako kung sino iyong pinag-uusapan nila na ayaw pag-usapan ni Vex. Naisipan ko munang tumambay sa rooftop na dati naming tagpuan ni Vex. Malaki na ang pinagbago ng school. Dalawang taon rin akong nawala, sa loob ng dalawang taon na iyon puro lungkot at pangungulila lang naranasan ko. At hanggang ngayon hinahanap ko pa din ang sagot sa kung sino ako? Sino ang totoo kung pamilya, bakit nila ako pinamigay sa iba. Maya Maya pa ay narinig akong boses. Kaya nagtago muna ako sa pinakasulok ng rooftop. "Hoy! Nerdy sinasabi ko sayo kapag hindi ka nagpunta dito patay ka sa'kin." "Anak ng, wala akong pake sa teacher mo na iyan dalian mo pumunta kana dito." Rinig kong may kausap siya sa phone. Sino naman kaya iyon? Nanatili lang ako sa pinagtaguan ko. Maya Maya pa ay dumating.. "Bwesit ka talagang alien ka ano na naman?" Galit na sabi ng babae sa kaniya habang siya ay nakangiti lang sa babae. Hinila niya ito palapit sa kaniya. "Hoy ano ba? Chansing ka na naman." "Wag kang feeling nerdy tss. Halika nga dito may bibigay ako wag kang mag inarte dyan baka magbago pa isip ko." "Bitaw nga kasi pwede? Kadiri kang alien ka ano ba kasi iyan? At atat kang papuntahin ako dito hello? May exam ako bwesit ka kapag ako talaga bumagsak ililibing kitang buhay." Naiiyak ako sa nakikita ko, naalala ko na ganiyan din kami nagsimula ni Vex noon. Sobrang sweet niya kahit inis na inis kana. Ganiyan na ganiyan siya sa'kin noon. RYZO's POV "Ano ba nerdy huwag kang magulo ang hirap isuot oh!" "Tanggalin mo kasi iyan ayoko niyan." "Huwag ka sabi magulo. Dapat nga magpasalamat ka ako lang nag-eefort sayo ng ganito." Nakanguso na naman siya, ang cute niya talaga tingnan. Napapangiti ako na ewan. *teka bakit ba ako nakangiti? Tch gwapo ko kasi.* "Hindi ko naman hiningi iyan sa'yo nanunumbat ka pa eh kung sapakin kaya kita dyan alis nga." Naiinis na naman siya laki talaga ng gamit nito sa'kin. "Ayan naisuot ko na! Bawal tanggalin iyan ah kundi patay ka sa'kin nerdy." Binigyan ko siya ng isang silver bracelet na wala siyang design hindi siya basta-basta natatanggal kasi may susi iyon. Maliban nalang kung sirain niya. Nasa akin ang susi ng bracelet kaya hindi matatanggal sa kamay niya iyon. Hahaha ang gwapo ko talaga! "O siya alis na ako may exam pa ako mamaya." "Heppp! Teka lng wala bang thank you? Abah hoy nerdy ah kahit thank you man lang sa effort ko hindi mo masabi." "Mamaya sasabihin ko." "Bakit mamaya pa? Nandito na rin lang tayo." "Walang tayo haler feeling ka alien sige na alis na ako. Mamaya nalang." Saka siya dali-daling lumabas. Aba't walang hiyang nerdy iyon ah! Hindi talaga nagpasalamat nilayasan pa ako. Tsk! Buti nalang gwapo ako nerdy kundi hindi kita bibigyan ng ganon. Tsk! Ni hindi man lang siya nagtanong bakit ko siya binigyan ng ganun, Ang manhid talaga ng babaeng iyon kahit kailan. Tss Naisipan ko na din umalis pero hindi pa man din ako nakalabas ng pinto. Napahinto na ako sa nakita ko. Dalawang taon, dalawang taon kong hindi nakita ang mukhang ito na nasa harapan ko. At dalawang taon ko pa rin dala ang sakit sa ginawa niya. Bumalik na pala siya, tss "Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko sa kaniya. Hindi agad siya nakasagot para siyang naiiyak. "Kung wala kang sasabihin mauna na ako sa'yo." "Sorry!" Sabi niya at napahinto na naman ako. "Hindi na maibabalik pa ng sorry ang sakit na binigay mo sa'kin." "Vex, hayaan mo akong magpaliwanag at bumawi sa'yo." "Para ano pa? Para saktan ulit ako? Hindi ka pa ba nakontinto sa pang-iiwan mo sa'kin noon hah Serenity." "Hindi ko sinasadya na iwan ka may rason ako bakit ko ginawa iyon at sorry dahil naging duwag ako, hindi ko sinabi sa'yo at hinayaan ang sarili kong lumayo sa'yo. Pinagsisihan ko na iyon Vex please patawarin mo naman na ako." Ayoko marining sa kaniya ang mga salitang iyon dahil masakit pa din. Bakit kailangan niya pang bumalik? Ayoko na masaktan pa. "Hindi ganun kadali ang gusto mo. Marami ng nagbago.." "Pati rin ba pagmamahal mo sa'kin nagbago na?" Deretso niyang tanong. Ewan, kung siya pa rin ba? Hindi ko alam kung mahal ko pa rin ba siya. Sa ngayon hindi ko pa siya kayang patawarin sa ginawa niya. Lumabas nalang ako, hindi ko sinagot ang tanong niya sa'kin. Nabadtrip tuloy ako tsk! "Kuyaaaaaaaaa." Sigaw ni Dexie mula sa malayo "Tara na Dexie uwi na tayo." "Hala si Kuya may klase ka pa uy sumbong kita Kay daddy nagcucut ka." Isa din 'tong makulit na'to e. "Tara na o maiwan ka dito? bahala ka dyan." "Uy kuya si Ate Serenity ba iyon? Kuya dali tingnan mo." Pilit akong pinapaharap ni Dexie sa tinitingnan niya. "Ano ba Dexie tara na nga uwi na tayo o iiwan na talaga kita dito." "Kuya si Ate Serenity nahimatay Kuya dali.." Napalingon ako sa sinabi ni Dexie. Nakahiga na sa sahig si Serenity, s**t!Dali-dali ko siyang dinala sa Clinic ng school. Tsk! Ano ba ginawa ng babaeng 'to at nahimatay. "Nurse grace okay na ba siya?" "Kailangan lang niya magpahinga nasobraan siya sa init. Baka kanina pa siya sa labas hindi niya nakayanan kaya hinimatay." Tch! Tama nga pala hindi niya kayang magtagal sa araw pag sobra siyang naiinitan nahihimatay siya. Kahit noon ganun na siya, Dati siyang cheerleader pero mula ng mahimatay siya dahil sa sobrang init ng practice nila noon tumigil na siya kahit gustong-gusto niya noon. "Kuya uuwi na ba tayo?" Tanong ni Dexie "Hintayin muna natin siyang magising bago tayo umuwi hindi natin siya pwedeng iwan mag-isa dito." "I'm hungry na kuya, Can we go to the canteen muna and then balikan nalang natin si Ate dito." Itong makulit na'to puro kain lang iniisip. "Siya Tara! Teka sasabihin ko muna si Nurse Grace." Nang makapagbilin na aalis muna ako at babalikan nalang namin si Serenity. Saka naman siya nagising. "Are you okay? Anong nararamdaman mo?" Tanong ko pilit Kong huwag ipakita sa kaniya na nag-aalala ako. "Ikaw ba nagdala sa'kin dito?" Tanong niya at tumango lang ako. "Nakita ka ni Dexie kanina kaya dinala ka namin dito." "Ah okay thank you." Sagot niya "Hi Ate Do you still remember me pretty Dexie?" Sumingit na naman sa usapan ang makulit na'to "Of course Scarlet. How have you been?" "Been good Ate how about you po?" "Still the same Scarlet." Tsk! Hindi ako makasingit sa usapan nila. Ayoko magtagal dito kanina ko pa gustong umuwi. "Ate why don't you join us papunta kami ni kuya sa canteen nagugutom kasi ako. Hindi ka pa kasi gising kanina babalikan ka nalang sana namin. Right kuya?" Tss pahamak kahit kailan ang kapatid kong 'to. "Yeah join us. Let's go." Kahit ayoko hindi ko naman siya pwedeng ipahiya sa harap ng kapatid ko. Nang makarating kami sa cafeteria. Saktong papasok si Nerdy kaya agad ko siyang inakbayan. "Kakain kana? Sabay na tayo!" "Bakit dala ko ba ang pagkain? Kumain ka mag-isa mo." Aba't wala talagang manners ang nerdy na'to sa gwapong katulad ko. Hindi ba niya alam iilan nalang kaming natitira sa mundo. Tss hashtag gwapo problems. "Umupo kana at ako na mag-oorder libre ko." "May pera ako kaya tumabi ka dyan kundi tatamaan ka sa'kin." Sumusubra na talaga babaeng 'to. "Miss apat nga na combo C. Pakihatid nalang sa table namin salamat." Sabi ko da casher saka ko hinila si nerdy papunta sa upuan nila Dexie. "Dexie dun ka sa kabila si nerdy dyan." "Kuya naman tabi nalang sila ni Ate Serenity." Nakakaubos talaga ng pasensya ang makulit na'to nananadya talaga eh. "Alien dito nalang ako. Wag ka na ngang nang aano dyan." "Anong nang aano ba?" "Wala sabi ko pangit mo." "Hahaha I agree with you Ate nerdy." Nakinerdy na din kapatid ko. "Hoy ako lang tatawag sa kaniya ng ganun." "Duh? Kuya hindi ko naman alam name niya nerdy din tawag mo sa kaniya." "Call her Ate Aryaniah." "Niah nalang Dexie diba?" Sabat naman ni nerdy. Mukha na din siyang naiinis ayaw niya lang ipakita "Yeah don't forget my name pretty Dexie." Napatingin naman ako kay Serenity. Tahimik lang siya, hindi na dapat siya nandito eh. Ito kasing si Dexie mapilit. Wala na akong pake sa kaniya pero sa setwasyon namin ngayon lalo na't nandito si nerdy kasama namin. Nakakailang at kahit itago ko man iyon hindi ko mapigilan ang mag-isip sa kung ano ang iisipin ni Nerdy. Hindi niya alam ang tungkol kay Serenity. At mas lalong hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ganito ang iniisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD