Serenity's POV Lahat kami napalingon ng biglang sumigaw si Xhinia. Tinawag niya ang pangalan ni Niah, nakita naman namin siya na tumakbo palabas ng function hall ng hotel. "Xhin, anong nangyari?" Tanong ni Camylle na mukhang kalalabas lang galing restroom. "Guys, mauuna na ako kailangan ko munang sundan si Manang." "Babe sasamahan na kita." Sabi ni Eugine. Hindi na namin sila nagawang pigilan. Alam ko nasaktan si Niah sa nasaksihan niya. Bago palang sila ni Ryzo tapos ganito pa ang malalaman niya. Hindi nabanggit sa'min ni Ryzo na naka-arriange marriage na pala siya. Matapos ang nakakagulat na anunsyo ni Tito nag-uusap muna ang dalawang pamilya sa conferrence room. Naghintay muna kami ng ilang oras bago lumabas ng silid si Ryzo. Halos hindi maipinta ang mukha niya para siyang natal