Ryzo's POV Hindi lang isang araw kung hindi buwan ko siyang hindi na nakita. Halos hindi ko na matandaan kailan kami huling nag-usap maliban sa mukha niya ay wala na akong ibang maalala pa. Paano niya nagawa sa'kin 'to, tss hindi naman ako ganito dati pero 'pag dating sa kaniya ay parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Paano niya nagawang iparamdam sa'kin na nag-iisa lang ako kahit may mga kasama naman ako. Tama nga siguro siya, alien ako hindi na normal ang iniisip at nararamdaman ko. Kasalanan niya 'to. Bakit niya kailangang umalis, wala naman akong nagawang kasalanan sa kaniya paliban sa araw-araw na pang-aasar ko sa kaniya. Malabo namang nagsawa siya sa gan'on. E kung gan'on nga ang dahilan pwede naman niyang sabihin sa'kin. Sa ugali palang n'on kayang-kaya niyang sabihin sa'kin