Reign's POV Masaya na siya at hindi ko yata kayang nakawin sa kaniya ang kasiyahan niya ngayon. Kailangan ko pa ng panahon para sabihin sa kaniya ang lahat. "Anak, malalim yata ang inisiip mo?" Tanong ni Ina gamit ang sarili naming lenggwahe. Ngumiti ako saka humarap sa'king Ina. "Wala naman Ina. Iniisip ko lang kung gaano kaganda ang Milan. Dito kami lumaki ni Niah. Dito kami bumuo ng pangarap." "Anak-- huwag mong hayaan na masaktan ka. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Hindi na natin mababago ang tinakda." Malungkot na sabi ni Ina. Alam ko na magagalit siya at baka mawala ng tuluyan sa'kin. Pero hindi ko pwedeng talikuran ang responsibilidad ko para sa pamilya namin. Kahit labag sa loob ko at hindi ko kayang saktan ang taong mahalaga sa akin. May isang buwan pa ako hahayaan ko