ARYANIAH'S POV Bawat araw na nanatili ako dito lumiliit ang tyansa kong mapapayag si Ina na pigilan si Ama sa gusto niyang ipakasal ako sa lalaking hindi ko pa kailan man nakilala. Bakit ba kasi kailangan ko pa sundin ang tradisyon ng pamilyang ito. Naalala ko noong buhay pa sila Granny sinabi nila sa akin na kung ano ang gusto ng puso ko iyon ang sundin ko para wala akong pagsisihan sa huli. Pero hindi gan'on ang paniniwala ni Ama. Gusto niyang panatilihin ang antas ng pamilyang meron kami. Kahit sinasabi niya sa'kin na ako rin naman ang magmamana ng lahat ng meron kami ngayon balang araw. Aanhin ko naman ang kayamanan naming sandamakmak kung hindi ako masaya. Hindi kayang bilhin ng pera ang kaligayahan ng isang tao. Iyan ang natutunan ko mula n'ong lumayo ako. Sa bawat taong nakakas