Episode 46

1081 Words

PUMASOK muli sa isipan ni Thoie ang tungkol sa nangyari bago niya maramdaman ang sakit sa kaniyang palad nang dahil sa kagat ng ahas. Masama ang loob niya kay Ken nang sagutin nito ang tawag mula kay Elijah. Napakabilis nga naman ng karma niya. Biruin mo ba naman nang lumusong siya sa tubig ay siyang pagtuklaw ng ahas sa kaniyang kamay. Saktong-sakto sa kaniyang katangahan. Ano ba naman kasi ang karapatan niya para magalit dito at magselos? Wala! Dahil wala namang mas malalim pang relasyon ang namamagitan sa kanilang dalawa. “Pasensiya na kung nag-alala ka,” aniya at tumingin sa lalaki. Kinuha niya ang kaniyang palad mula sa pagkakahawak nito. “Tiyak na naman na magagalit sa ‘yo nang sobra si lolo kung may nangyaring masama sa ‘kin.” “What are you talking about, Thoie? Hindi si Don Inigo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD