CHAP 7

1874 Words
Like they said, if looks could kill, I'd be dead on the spot. Rhian's glare sharpened even more, fierce enough to cut through steel. Her teeth clenched so tightly that veins stood out on her neck, each breath coming hard and fast like a storm barely contained—a storm I could almost hear. "Enough," tipid na ani Shaunn sa malamig na boses na para bang wala na talaga akong karapatang baliin iyon. Nagkibit na lamang ako ng mga balikat at muling bumalik sa puwesto ko. "Don't worry, Rhian. Wala akong planong pikutin o agawin ang . . . lalaki mo?" Uncertainty laced on my tone. "In fact, you're right, I came here to ruin him. So stop pestering me with your delusions and focus on saving him from my rage, because whether you accept it or not, he needs me," I emphasized. "Ha!" sarkastikong pagpapakawala niya. "Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo, Shayna," aniya. "Well, diamond kasi ako." Tipid akong humalakhak saka umupo sa aking upuan. "Look, Rhian, as far as I could remember, we're not close. Hindi rin naman tayo magkaaway kaya mas mabuting panatilihin na lang natin ang gano'ng pakikisama sa isa't isa. In other term, huwag kang nagkakalat sa harapan ko." "Tingin mo gano'n na lang iyon? Shaunn is my frien—" "And I'm his fvcking ex," I cut her off, sternly gazing at her. "He put me in a terrible shithole that a person could be in, and you expect me to stay quiet and disappear forever?" Kumuyom naman ang mga kamao niya kasabay ang pag-igting ng panga ni Shaunn sa gilid ng paningin ko. Itinukod ko ang aking magkabilang siko sa lamesa at nangalumbaba sa pinagdikit kong mga kamay. "Katulad ng sinabi ko, hindi ako makikialam sa iyo pagdating kay Shaunn. He's your friend, okay, I get it." I shrugged. "Like as if I fvcking care about that. Ang sa akin, magkaniya-kaniya tayong buhay, kung gusto mo siyang ilayo sa galit ko, gawin mo. Hindi ba nga't sinabi mo na kayang-kaya mong linisin ang pangalan niya kahit wala ang tulong ko? Go fvcking do it; prove it. Hindi 'yong kung ano-anong eksena at ekspekulasyon ang ibabato mo rito sa harapan ko." I smirked when she didn't respond quickly. "Huwag mong sabihin na kaya ka nagkakaganiyan kasi bothered na bothered ka talaga sa presensya ko?" natatawa kong ani at ibinaling ang tingin kay Shaunn. "Are you lowkey telling me that Mayor Vallerio is that type of guy? An easy one?" Mariing pumikit si Shaunn, animo'y may kinokontrol sa emosyon sa loob niya. "Enough with this nonsense talk," matigas niyang sabi at saka hinarap si Rhian. "You can go now, Rhian. Don't worry about me; I can handle myself." Kitang-kita ko ang pagtutol sa mga mata ng kausap pero hindi na nag-abalang sumagot pa, imbes ay isang masamang tingin na lamang ang ipinukol niya sa akin at saka mabibigat ang mga lakad na lumabas ng opisina. Pasikreto na lamang akong umismid at nagkunwaring mag-iintindi ng mga papeles na nakapatas sa lamesa ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko naman ang pagtayo ni Shaunn kaya pasimple ko siyang sinundan ng tingin mula sa gilid ng aking mga mata. Walang imik siyang naglakad patungo sa direksyon ko at tumigil nang makarating sa harapan ng aking lamesa. Pagod niyang niluwagan ang kaniyang kurbata na animo'y mauubusan ng hininga kapag hindi niya ginawa iyon, kasunod niyon ang isang buntonghininga. Doon ay tuluyan ko nang itinuon sa kaniya ang aking atensyon. Taas-kilay ko siyang pinagmasdan sa kabila ng kaseryosohan ng kaniyang mukha. "What do you want?" ako na ang unang nagsalita. Nag-iwas naman siya ng tingin at prenteng ipinasok ang isa niyang kamay sa bulsa. "Get up," mahinang aniya, tama lang para marinig ko. "Why?" kunot-noo kong balik, gayunma'y sinunod ko pa rin ang sinabi niya. "Follow me." He didn't wait for me to ask any more questions—he just walked out of the office first. I had no choice but to do what he said. Now we're in his SUV, and I have no idea where we're going. Even if I wanted to ask, I didn't. I didn't want to start a conversation, especially since it's just the two of us here. Ilang minuto rin ang lumipas at kumunot ang noo ko nang mapansing papasok na kami ngayon sa isang mall. Napaayos ako sa aking pagkakaupo at pasikreto siyang sinilip sa gilid. Tutok pa rin siya sa pagmamaneho, animo'y alam niyang naghihintay ako sa dahilan ng pagpunta namin rito ngunit wala siyang balak sabihin iyon. Tuluyan na niyang naiparada ang kaniyang kotse at tahimik na inalis ang kaniyang seatbelt. Wala naman ulit akong nagawa kundi ang gayahin siya. Sabay kaming lumabas ng SUV, nauna naman siyang maglakad na tila ba sinasabi sa aking sumunod na lamang ako. Dala ang namumuong inis sa aking dibdib ay ganiyon na nga ang nangyari; bumuntot lang ako sa kaniyang paglalakad. "What are we doing here?" hindi ko na nakayanang hindi isatinig nang makarating kami sa harapan ng isang Italian restaurant. "I have a meeting here, and you're gong to join us. You're my secretary, right?" sagot niya at tuluyan nang pumasok sa loob, tila ba sapat na iyon para hindi na ako muling magtanong pa. Tiim ang mga bagang na lamang akong sumunod. Well, I chose this—to be his so-called assistant—so I have to just do my job. Nagsimula kaming umupo sa isang four seater table, tig-dalawang upuan sa magkabilang gilid kaya naman magkaharapan kaming dalawa. Napapaisip man dahil wala akong natatandaan na schedule niya ngayong oras ay binalewala ko iyon. Baka urgent meeting ito at hindi na dumaan pa sa appointment. "What do you want to order?" tanong niya nang lapitan kami at asikasuhin ng waiter. "Hindi ba natin hihintayin ang mga kasama?" balik kong tanong. Umigting naman ang kaniyang panga. "They'll arrive at 1 o'clock, and it's almost lunchtime, so we should eat. Go ahead and order now." "Huh? But you have a meeting at one—" "Just order, Ysabel. We're taking too much time," he cut me off. Hindi ko naitago ang pagkuyom ng kamao ko sa ibabaw ng lamesa, matalim ko siyang tiningnan na para bang makababawi ako sa ganoong paraan. Hindi ko gustong minamandohan niya ako, pero wala akong magagawa ngayon kundi magtiis dahil kasama ito sa trabaho. Sa huli ay basta ko na lang binitiwan ang hawak kong menu at tamad na sumandal sa kinauupuan ko. "Kahit ano na lang ang sa akin," aniko. Siya naman ngayon ang nag-igting ng panga, kita ko pa ang lihim niyang pagbuntonghininga bago kinausap ang waiter na naghihintay ng order namin. Hindi ko na inintindi pa kung ano ang sinabi niya, hindi naman ako maarte sa pagkain. Bukod pa roon ay alam kong hindi naman ako gaganahang kumain, lalo na at kami pa lamang ang magkasama ngayon. Tahimik na lumipas ang mga minuto. Mula pagdating ng in-order niya hanggang sa pagkain. Katulad ng inaasahan ko, hindi ko naubos ang sa akin dahil hindi ko ma-appreciate ang lasa niyon. "Let's go," may awtoridad na utos niya nang mapansing hindi ko na ginagalaw ang plato ko. Halos magsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka. "Hindi ba't may meeting ka?" "Stop asking, Ysabel. I have tons of work to do after this, so let's go," walang emosyong sagot niya at agad na tumayo. Mariin na lamang akong pumikit sa inis. Gusto ko na sana siyang singhalan ngunit mabilis siyang nawala sa paningin ko. Iling na lamang ang huli kong nagawa at pabalyang kinuha ang aking bag para sumunod. "Don't say the plan has changed and that you're meeting the person you're talking to here? Only fools would believe that s**t, Mayor Vallerio," nagngingitngit kong sambit nang mapunta kami sa isang kilalang salon. Hindi makikitaan ng emosyon niya akong hinarap. "You said you'd help me with my candidacy, Ysabel. I'm bringing you here because I don't want people thinking I'm pressuring you. Kailangan mong magmukhang maayos lalo na at nalalapit na ang pag-iikot natin sa iba't ibang barangay. And to answer your question, the meeting was cancelled." "What the fvck are you saying?" medyo mataas na tonong aniko. "Just go get your nails done, Ysabel. You could also get a haircut or some treatment if you want," he said, brushing me off as he walked into the salon. "I already did!" sambit ko habang lakad-takbo siyang hinabol papasok. "I don't like the colors you used. Change them, and also get a pedicure," aniya at saka prenteng naupo sa bakanteng sofa kung saan pwedeng maghintay ang mga customer. Colors. Sarkastiko akong natawa. "Hindi ko alam, uto-uto ka pala?" sabi ko habang nakatayo sa gilid niya. Sa halip na sagutin ako ay ikinumpas niya lang ang kaniyang kamay dahilan para lapitan ako ng mga staff doon. Tila kahit wala man siyang sabihin ay alam na nila ang gagawin. Wala na akong nagawa pa kundi tiim-bagang na napasunod sa paghila nila. Fvck you. Halos isang oras ang lumipas bago natapos ng mga tauhan ng salon ang mga ginagawa nila sa akin. Katulad ng gusto ni Shaunn ay binago nga nila ang kulay ng mga kuko ko sa kamay, nilagyan pa nila iyon ng nail extension. Ang mga daliri ko sa paa ay nilinisan at kinulayan din nila. Ang akin namang buhok ay isinalang sa treatment. Kung hindi lang ako galit sa kasama ko ay baka na-appreciate ko ang ginawa nila sa akin, kaso inis lang ang nanalaytay sa sistema ko kahit pa maganda ang kinalabasan ng lahat. Isang mabagal na hagod ng tingin mula ulo hanggang paa ang ginawa sa akin ni Shaunn matapos akong iharap ng mga staff sa kaniya. Hindi man siya umimik ay bakas ang satispaksyon sa kaniyang mukha nang ibalik ang paningin sa aking mga mata. Hinugot niya ang isang card sa kaniyang pitaka at saka iyon iniabot sa isang tauhan, mabilis namang prinoseso niyon lahat ng bayarin. "Ano? Babalik na ba tayo sa opisina?" inis kong singhal nang magsimula na naman siyang maglakad palabas ng salon nang hindi umiimik. "Huwag mong sabihin na ipamimili mo pa ako ng mga damit?" sarkastiko kong sunod nang mapansing hindi palabas ng mall ang tinatahak naming daan. Tumigil siya sa paghakbang ngunit hindi ako hinarap, nanatili naman ako sa likuran niya—tahimik siyang pinapatay gamit ang matalim kong titig. "I don't like cheap clothes, Ysabel," aniya na para bang iyon ang tamang sagot sa tanong ko. Napabuga ako ng hininga. "Tangina mo," mahina ngunit may gigil kong sambit bago siya mabilis na nilampasan. Halos marinig ko ang pagngingitngit ng mga ngipin ko habang kuyom ang mga palad na naglalakad. Oo, hindi na ako kasing yaman ng dati. Oo, natuto akong magtipid. Pero wala siyang karapatan na ipamukha sa akin ang mga iyon at manduhan ako sa mga gusto niyang gawin ga'yong siya ang dahilan kung bakit ganito na ang buhay ko ngayon. Siya ang sumira sa pamilya ko. Siya ang dahilan kung bakit bumagsak ang mga negosyo namin. Siya ang dahilan kung bakit mula sa itaas ay gumagapang ako ngayon mula sa ibaba. People might think he's helping me with what he's doing right now, but they're wrong. He's just flaunting his power—a power he took from my father.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD