CHAPTER 16

844 Words
HINDI MAPAKALI si Jazzy sa swivel chair niya.  Kanina pa niya tinititigan ang kisame ng opisina nila dahil sa dami ng gumugulo sa isip niya. Kagabi ay nagtapat sa kanya si Waki na gusto siya nito at nagdeklara pa na patutunayan nitong hindi lang kagabi nahulog ang loob nito sa kanya.  Halos magdamag niyang pinag-isipan ang mga sinabi nitong iyon.  Kaya nga napaaga ang pasok niya sa opisina dahil hindi na rin siya nakatulog pa.  Sa tuwing naalala niya ang mga sinabi ni Waki, lalong lumalakas agn t***k ng kanyang puso.  Bakit naman kasi kailangan pa nitong sabihin iyon? Tanggap na naman niyang hindi ito magkakagusto sa kanya at naikundisyon na rin niya ang kanyang sarili na kahit kailan ay hindi nito magugustuhan.  Kaya ganon na lang ang shock niya nang bigla itong magtapat.  Hidni tuloy niya alam kung ano ang gagawin nang mga oras na iyon.  Yes, she still like him.  Pero…hindi niya alam kung makakaya niyang hayaan ang sariling tuluyang mahulog ang loob dito.   Kahit kailan ay hindi pa niya naranasan ang ganitong klase ng damdamin.  ‘Yun bang tipong hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.  She felt so weak and vulnerable and she hated this feeling.  She wanted to be strong like her older brother.  She wanted to be great like her Kuya Bucho.  Pero kung ganitong may foreign feeling siyang nararamdaman, hindi niya magagawa ang lahat ng gusto niyang gawin para mapantayan ang kuya niya.   You have your own road to take, iyon ang sabi ni Waki.  You’ve been living under the shadow of your brother for far too long now…Malaki ang mundo, Jazzy.  Maraming bagay ka pang matutuklasan kung lalayo ka sa anino ng kuya mo. Kasama ba sa matutuklasan niyang iyon ay ang kakaibang damdamin na iyon na si Waki lang ang nakakagawa sa kanya? “I don’t want to be weak.  Weak people just end up crying.”  At ayaw niyang umiyak o masaktan. She stood up and made up her mind.  Kakalimutan na lang niya ang anomang nararamdamang iyon kay Waki.  Maayos ang buhay niya nang hindi pa niya ito nakikilala.  Pero mula nang mapalapit siya rito, napakarami na niyang iniisip.  Ilang beses na siyang nalito sa mga nagiging desisyon niya.  Kailangang matapos na iyon. Tumunog ang telepono.  “Hello?” “Jazzy, where are you hiding now?” Her heart jumped when she heard that familiar baritone voice.  Ngunit pilit niya iyong pinatay.  “Anong kailangan mo?” “Wala naman.  Gusto ko lang marinig ang boses mo.” “I don’t have time for some chit-chat, Waki.  Marami pa akong nakatambak na trabaho.” “Linggo ngayon, Jazzy.  Don’t tell me, nagtatrabaho ka rin pag Linggo?  Masyado ka palang masipag.” Napatingin siya sa kanyang relong pambisig.  May date kasi iyon at doon lang niya napagtantong Linggo nga pala nang araw na iyon.  kaya pala wala siyang makitang empleyado niya roon. “Hey, kung wala kang gagawin ngayon, puwede mo ba akong samahan?  Invited kasi ako sa premiere night ng pelikula ng kaibigan kong director.  Mahirap magpunta roon nang walang kasama.  Boring.” “Wala akong hilig manood ng sine.” “Matulog ka na lang kung ayaw mong manood.  Wala namang makakahalata dahil madilim.  Ikukuwento ko na lang sa iyo ang istorya paggising mo.” What’s with this guy?  Hindi ba nito natatandaan na kagabi lang ay halos takbuhan na niya ito?  Kung makipag-usap ito sa kanya ngayon, parang walang anomang nangyari.  Pero naalala rin niya ang huli nitong sinabi bago sila tuluyang naghiwalay. Ipapakita ko sa iyo na hindi lang dahil sa make-up mo kaya kita nagustuhan. “Hindi ako puwede ngayon, Waki.  Maraming naka-pending na trabaho na kailangan kong pagtuunan ng pansin—“ “Hello, Jazzy?  Ang Kuya mo ito.” “Kuya Bucho?  Magkasama kayo ni—“ “Nandito siya ngayon sa bahay ko at nangungulit.  Samahan mo na siya dahil kanina pa ako naiistorbo sa pagtulog ko.” “Pero…” “Nasabi na sa akin ni Waki ang usapan ninyong magpanggap na magkasintahan habang hindi pa nawawala ang isyu sa mga nakuhang larawan ninyong magkasamang dalawa.  Bago ka magburo riyan sa Conan, tapusin mo muna itong unang napagkasunduan ninyong dalawa.  At huwag na ninyong paiinitin ang ulo ko.” Napabuntunghininga na lang siya.  “Sige.” Si Waki na uli ang sumunod niyang kausap.  “Hi, Jazzy.” “Anong oras tayo magkikita at saan?” “Susunduin na lang kita riyan sa opisina mo.” “Wala akong dalang pamalit na damit.” “Kahit anong isuot mo, ayos lang iyan.  Wwalang problema sa akin basta kumportable ka.  So, I’ll see you then.  Susunduin kita ng mga ala singko ng hapon.” “Saan ba ang premiere night?” “Sa Gateway Mall sa Cubao.” “Huwag mo na akong sunduin.  Doon na lang tayo magkita.”  Then she hung up.  “Damn it!” With her heart still beating fast, she stormed out of her office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD