CHAPTER 18

1610 Words
NAGHIHINTAY NA si Jazzy sa gilid ng cinema house sa Gateway Mall.  Late na ng dalawang minuto si Waki.  Wala na ring tao sa labas ng mga sinehan kung saan magpi-premiere ang pelikulang panonoorin nila kaya wala na gaanong tao roon.  And with a deep sigh, she started to walk away.  Wala na siyang balak na maghintay pa roon ng isang minuto pa.  Ngunit may humarang sa kanya. “Going somewhere, Miss?” Dumagundong ang t***k ng kanyang puso nang makita sa harapan niya ang napakakisig na si Waki.  Hawak nito ang isang malaking paperbag ng popcorn.  Pinigil niya ang sariling ma-distract ng mga ngiti nito. “You’re late.  Kanina pa nag-umpisa—“ “Advance ng five minutes ang relo mo.  My director friend just texted me the movie will start in about ten minutes.” “Mali-mali naman ang calculations mo.” “Ganon ba?”  He grinned and pulled out something from behind him.  A boquet of flowers.  “Forgive me?  Mahina kasi ako sa Math.  Pero tanungin mo ako ng kahit na ano, ahm…sasagutin ko lahat iyon sa Spanish.” Napangiti siya pero agad din siyang pumormal.  “Allergic ako sa mga bulaklak.” “Ganon ba?” He looked so disappointed and it almost broke her heart.  Marahas niyang kinuha rito ang mga bulaklak. “Hahawakan ko na lang muna ang mga ito.  Kapag nakahanap ako ng basura saka ko itatapon.” “Do as you like.”  Bumalik na ang sigla sa mga mata nito.  “Basta ang importante, tinanggap mo.  So…pumasok na tayo sa loob?” Nauna na itong maglakad.  Nagtaka pa siya na hindi siya nito hinawakan sa kamay gaya ng madalas nitong ginagawa kapag naglalakad silang magkasabay.  Napansin yata nitong hindi siya sumusunod kaya binalikan siya nito. “Is something wrong?” Yes, there is something wrong!  Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa iyo?  Bakit hindi ko kayang iwasan ka?  Bakit hindi ko kayang pigilan na…mahalin ka?  At bakit hindi mo hinahawakan ang kamay ko? “Jazzy.” “Nothing.”  Siya na tuloy ang nauna.   Subalit pagpasok na pagpasok niya sa may kadilimang movie theater ay naramdaman na niya ang pagbalot ng mainit na kamay nito sa kanyang kamay.  He had held her hand again!  And it just felt so good.  Tiningnan niya ito ngunit may kung sino itong hinahanap.  Marahil ay ang kaibigan nitong direktor.  Hindi pa nga nagsisimula ang pelikula kaya bukas pa kahit paano ang mga ilaw doon.  Napagmamasadan pa niya ito nang maigi.  She really miss him.   Magdamag niyang pinag-isipan ang maaari niyang gawin para kalimutan ito.  But the moment she saw him again, nakalimutan na niya ang mga gagawin niya.  Ang naiwan ay ang damdamin niyang hindi na niya maikaila pa. Mahal na niya ito. “Waki, puwede ka ba naming ma-interview sandali?” TV crew and photographers gathered around them.  Pinagkaguluhan na sila ng mga reporters pati na rin ng ibang manonood doon na marahil ay fans ng binata dahil nag-umpisa ng magtilian ang mga ito. “Teka lang, huwag ninyo kami masyadong siksikin.  Baka tamaan ng camera si Jazzy.”  He had secured his arms around her.  “Easy lang.  Sasagutin ko ang mga tanong ninyo.” The moment na natapos si Waki sa sasabihin nito ay nagsunod-sunod na ang tanong dito. “Is it true you’re planning a wedding next month?” “Buntis na raw ba ang girlfriend mo kaya kayo magpapakasal agad?” “Ilang buwan na ang ipinagdadadalang tao niya?” “I was just so happy my parents weren’t alive anymore,” bulong niya na narinig yata ni Waki dahil natawa lang ito.   Pagkatapos ay naramdaman niya ang pagdampi nito ng halik sa kanyang ulo.  “To answer your question, no, we’re not planning any wedding for next month.  But…I hope we’ll be planning something for the coming months.  And no, Jazzy’s not pregnant.  Goodness!  Ni hindi pa nga ako nakakapag-umpisang manligaw sa kanya.” Lalong nagkagulo ang mga reporters. “Hindi ka pa nakakapanligaw?  Kung ganon, hindi totoo ang tsismis na may kasintahan kayo?  Na girlfriend mo siya?” “Well, yeah, sort of.”  Humigpit ang pagkakayakap nto sa kanya.  “Although…I really wanted to court her.  Needless to say, I really wanted her to be my girl.  Ppero kugn ayaw niya, wala naman akong magagawa, hindi ba?  But then again, I’ll take my chances on her.  Manliligaw pa rin ako.” Mula sa balcony ay may narinig siyang malakas na sumigaw.  “Waki, if she doesn’t want you, I’ll take you!” Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.  Kung aayawan niya si Waki, sa dami ng tagahanga nito, maraming tatanggap dito.  Maraming mag-aalaga rito at willing na magmahal.  Damang-dama niya ang matinding pagtutol sa kanyang puso.  Hindi.  Hindi niya matatanggap na may ibang babaeng magmamahal dito.  Na may ibang babaeng papalit sa kanya sa tabi nito.  Ns may ibang babaeng makakahawak sa mga kamay nito at makakaramdam ng masuyo nitong pangangalaga.  She bit her lower lip and squeezed his hand.  Bahala na kung ano ang maging interpretasyon nito sa ginawa niya.  Basta ang version niya roon, ayaw niya itong mawala sa kanya. “Is that mean, hindi ka na talaga namin puwedeng pagnasaan pa, Waki?” tanong ng isang bading na showbiz reporter. “Puwedeng pagnasaan,” natatawa nitong sagot. “Pero hindi puwedeng i-take home.” In-announce na ang pagsisimula ng pelikula kaya pinapabalik na sa kani-kanilang upuan ang mga tao. “Waki, pa-kiss naman,” hirit ng bading na huling nagtanong.  “Nakakalerdi kasi ang rebelasyon mo sa harap mismo ng telebisyon.  Miss Ganda, pa-kiss lang sa cheek ng papa mong guwapo at super bait, ha?” Tumango lang siya.  Kilig na kilig ang bading.  “Nakaka-inggit ka, bakla!” anito sa kanya pagkatapos.  “Napunta sa iyo ang pinakaguwapo at pinakamabait na lalaki sa balat ng showbiz.  Alagaan mo siya, ha?  Kung hindi, sasabunutan ko ang kilay mo.  ‘Yun lang!” Napabuntunghininga lang si Waki nang balingan siya.  “Sorry.  Ganito talaga kagulo sa showbiz.  Pero mababait naman ang mga iyon.” “Maupo na lang tayo.” Hinayaan siya nitong mauna sa bakanteng upuan sa tabi ng direktor.  He tried to let go of her hand just so she could move easily.  But she didn’t let go.  Alam niyang nagtaka ito dahil napansin niyang hindi ito agad nakakakilos.  But she tugged on him as they went to their seats. The movie started.  Saglit na nag-usap at nagkumustahan si Waki at ang kaibigan nitong direktor kaya inabala na lang niya ang kanyang sarili sa panonood ng pelikula at pagngata ng popcorn.  Nang makapa niya ang isang nakatuping papel sa loob ng popcorn.  With the help of the light coming from the widescreen, she read the note written in it.  Muntik na siyang mabulunan nang mabasa ang nakasulat doon. I won’t give up on you. Hindi pa man siya nakaka-recover nang may makapa uli sa loob ng popcorn.  Isa pang note.  Mas lalong ikinagulantang niya ang nakasulat doon. I love you, Kim Jaze.  Will you be my girl? Nilingon niya si Waki.  Tahimik lang itong nanonood ng pelikula pero napansin niyang tila pinipigil nitong mapangiti.  Ano kaya ang nakakatayo sa mga nagbabarilang tauhan sa pelikulang iyon.  Unless… Kumilos ito at inilapit sa kanyang tenga ang bibig nito saka bumulong.  “There’s still more to come.” Dala ng hindi pa humuhupang emosyon sa kanyang mga nabasa, napabaling siya rito nang wala sa oras.  Hindi niya iyon inaasahan lalo na nang maglapat ang kanilang mga labi.  Nagregodon nang husto ang kanyang puso.  She kissed him!  Kahit aksidente lang iyon, siya pa rin ang unang…humalik…Naramdaman niyang kumilos ang mga labi nito at mas lalo pang pinaglapat ang kanilang mga labi.  Wala na siyang nagawa kundi ang magpadala sa sensasyong hatid ng mga halik nito.  She closed her eyes and feel his warm sweet kisses flooded her system and reached her heart. She loves him.  She’s inlove with.  O kahit ano pa ang tawag doon.  Basta, matindi ang nararamdaman niyang emosyon na tila ba pumipiga sa kanyang puso.  kung ito nga ang tinatawag nilang pag-ibig, well, then so be it.  She’s inlove and she loves this man who taught her the meaning of it all. Narinig niyang may tumikhim sa tabi ni Waki.  Ang direktor iyon.  Napilitan tuloy silang maghiwalay na dalawa.  Napalunok siya.  nakita naman niyang nagpipigil na namang mapangiti si Waki habang pasimple nitong idinampi ang daliri nito sa mga labi nito.  Kung ganon, naiparating na niya rito ang gusto niyang iparating.  Alam na nito ang sagot niya sa lahat ng katanungang hindi pa man nito itinatanong sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nitong nakalapat sa armrest.  But he had pulled his hand away.  Nagtataka niya itong tiningnan.  Subalit hindi na ito lumingon pa sa direksyon niya hanggang sa matapos ang pelikula.  Wala siyang naintindihan sa kanyang pinanood.  Hindi rin niya alam kung ano ang nangyari at tila lumayo naman sa kanya ang binata matapos ang eksenang iyon sa pagitan nila. “Jazzy, ipapahatid na lang kita sa taxi pabalik sa inyo,” wika ni Waki paglabas nila ng sinehan.  “May importanteng meeting kasi na ipinatawag ang producer ng bagong pelikulang gagawin ko.  Kaya hindi na kita maihahatid.  Pasensya na, ha?  I’ll call you later.” Naiwan siyang nagtataka at unti-unting nag-iinit ang ulo.   What the heck was going on here?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD