CHAPTER 20

1899 Words
“ITIGIL NINYO iyan!” sigaw ni Jazzy pagdating sa gym.  Nasa kalagitnaan nga ng pambubuno ang kuya niya at si Waki. Malinis ang buong gym.  Ang dalawa lang ang nasa gitna ng mat habang ang mga tao sa paligid ay masayang-masayang nanonood. “Diyos ko!  Itigil nyo sabi iyan!” Bababa na sana siya sa mat subalit pinigilan siya nina Drei at Lian. “This is an official match, Jazzy.  Hindi mo sila puwedeng pigilan.” “They’re hurting each other!” “This is an official match.  And anyway, para ito sa iyo.” Napatingin siya sa dalawang pumipigil sa kanya.  “Ano kamo?” “Hinamon ni Waki si Bucho.  Tinanggap ni Bucho kaya hayan.” Pinitsarahan niya si Lian.  “Hindi iyan ang tinatanong ko.” “Well, parang may gusto kasi yatang patunayan si Waki kaya niya hinamon ang kuya mo.  Nabanggit kasi ni Bucho na kung hindi siya mapapatumba ng mga lalaking magkakagusto sa iyo, hinding-hindi mo rin magugustuhan ang mga iyon.” Napalingon siya sa naglalaban nang bumalandra ang katawan ni Waki sa matt.  Nagpalakpakan ang mga nanonood.   “Idiot!” sigaw niya.  “Hindi ka mananalo kay Kuya!  Naghahanap ka lang ng sakit ng katawan!  Tigilan mo na iyan, Joaquin Antonio!”  Narinig yata nito ang sigaw niya kaya napabaling ito sa direksyon niya.  “Dating international secret agent ang kuya ko.  Ano sa palagay mo ang magiging laban mo sa kanya?  You can’t even beat me, you idiot!” Nang bumangon ito ay inakala niyang lalabas na ito ng mat.  Subalit pumorma lang uli ito ng fighting stance.  Handa na naman itong lumaban. “Nababaliw ka na talaga, Waki!” nanggagalaiti na siya.  Pati ang dalawang pumipigil sa kanya ay napagbalingan niya ng init ng ulo at sama ng loob dahil ayaw siya nitong pigilang makadaan.  “Kung gusto mo ng sakit ng katawan, ako na lang sana ang hinamon mo!  May mapapala pa tayong pareho!  Dahil gustong-gusto ko ng balian ka ng buto pagkatapos ng mga ginawa mo sa akin kagabi!” Napasinghap ang mga tao roon at napalingon sa kanya.  Pati ang kuya niya ay saglit na natigilan kaya naka-iskor si Waki.  Pero hindi pa rin nito nagawang mapatumba ang kanyang Kuya Bucho.   “May mga bulaklak ka pang nalalaman!  May pa-holding hands-holding hands ka pa!  You even declare to this whole feakin’ country you wanted to court me and marry me if I’d given you a chance.  You even ask me if I wanted to be your girl!  You told me you love me!  Pero anogn ginawa mo?  Pagkatapos mo akong halikan, basta mo na lang ako iniwan doon!” “What?!”  narinig niyang bulalas ng kuya niya.  “You kissed my sister?  And you left her?  Wala iyon sa usapan natin, ah!” In two swift movements, her brother made a fluid jump and landed a solid side kick on his face. “Oh, no!” tili ni Magdallaine.  “Not the face!  Not the face!” Bumagsak na sa mat si Waki.  Matinding kaba ang gumapang sa pagkatao niya nang hindi na ito gumalaw pa.  Buwi, who stood as the referee, declared her brother the winner.  Pinilipit niya ang mga braso nina Lian at Drei upang tuluyan na siyang makadaan.  Mabilis niyang dinaluhong ang kanyang kuya. “You killed him!  I hate you!” Ni isang suntok o sipa ay walang dumapo sa katawan ng kuya niya.  Pero nang ito ang kumilos ay tumama agad sa ulo niya ang ipinukpok nitong head gear. “Hindi pa iyan patay.  Nagpapahinga lang iyan.” “Ha?”  Nilingon niya si Waki.  Nakalugmok nga ang pawisan nitong katawan sa mat pero mapapansin pa rin ang malalim nitong paghinga.  “Waki!” Mabilis niyang nilapitan ang binata.  Subalit hindi pa man siya nakakarating dito ay unti-unti na itong bumangon at sinenyasan siyang huwag lumapit.  Nakayuko ito nang tanggalin ang suot nitong headgear.  It revealed a bruised and tired handsome face of the man she had fallen inlove with. “Waki…” “Hindi ko natalo ang kuya mo,” wika nito.  “I guess I don’t really deserve you.” Naglakad na ito palabas ng gym.  Sumunod siya. “Kim Jaze,” tawag ng kanyang kuya.  “He lost.  Tatanggapin mo pa rin ba siya?” Nagpapalit-palit ang tingin niya sa dalawang lalaking nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay niya.  Ang isa, naging inspirasyon niya at tagapangalaga.  Ang pangalawa, ang nagturo sa kanya kung paano magmahal at nagparamdam kung paano mahalin.  Gusto niyang balikan ang nakatatandang kapatid dahil nandito ang katatagan na hinahanap niya.  Ang pinagkukuhaan niya ng tapang.  Ngunit nang makita niya ang papalayong pigura ni Waki, alam na niya kung sino ang kanyang pipiliin. “Kuya, salamat sa lahat ng itinuro mo.”  Iyon lang at sinundan na niya ang lalaking mamahalin na niya habambuhay.  “Waki!” Nagpatuloy lang ito sa paglalakad.  Nagpatuloy din siya sa pagsunod at pagtawag sa pangalan nito.   “Waki, ano ba?”  Nang hindi pa rin ito humihinto ay hinubad na niya ang kanyang sapatos at ibinato iyon dito.  Sa wakas ay nakuha na rin niya ang atensyon nito.  “Why do you always walked out on me?  Akala mo ba madali ang sumunod-sunod sa iyo?  Nakakapagod kaya iyon.  Ayaw…ayaw mo na ba sa akin?  Ang bilis namang mag-expire ang sinasabi mong pagmamahal.  Ang daya mo!  Kung kailan naman nag-uumpisa na akong buksan ang puso ko sa iyo, tsaka mo pa ako lalayasan.  Ano ka ba?  Ang g**o-g**o mo!  hindi ba’t kagabi lang sinabi mong mahal mo ako?  Na gusto mo akong maging girlfriend?  Totoo ba iyon o umaarte ka lang?” Nagkaroon na rin sa wakas ng emosyon ang puro pasa nitong mukha.  “Totoo ang lahat ng iyon.” “Kung ganon bakit mo ako iniwan?”  Peste!  Ang sikip-sikip ng dibdib niya.  Kaya siguro namalayan na lang niyang namamalisbis na ang mga luha sa kanyang pisngi.  “Alam mo bang hininitay pa rin kita roon hanggang sa magsara ang buong mall?  Dahil umaasa akong babalikan mo ako.  Dahil umasa ako nang husto na hindi lang doon matatapos ang mga sinabi mo.  I believed in you!  I believed that you love me!  Pero binalewala mo ako!  Iniwan mo ako dun!  Dapat talaga umuwi na lang ako!” “Jazzy—“ “At doon sa laban ninyo ni Kuya, hanggang nang mga sandaling iyon ay umasa akong lalapitan mo ako para magpaliwanag.  Malakas ang kutob kong hindi lang doon dapat matapos ang lahat ng mga ipinagtapat mo kagabi.  Pero anong ginawa mo?  Iniwan mo pa rin ako!  Nakakainis ka na!” “I don’t…I don’t deserve you.  Hindi ko natalo ang kuya mo—“ “Idiot!  I don’t care if you win or lose!  Bakit ba sa tingin mo nandito ako sa harap mo imbes na naroon sa tabi ng kuya ko?  Ikaw ang pinili ko, Waki!  Dahil mahal kita!” Hindi na niya naituloy pa ang lahat ng gusto niyang sabihin dahil nilapitan na siya ni Waki at mahigpit na niyakap. “I’m sorry,” buong puso nitong bulong.  “I’m sorry I hurt your feelings.  Gusto ko lang namang maging karapat-dapat sa iyo.  Kaya hiningi ko ang tulong ng mga tao rito sa Calle Pogi.  Pati na rin ang tulong ng kuya mo.  Kung alam ko lang na masasaktan ka nang dahil doon, hindi ko na sana itinuloy ang lahat ng ito.” “Kinausap mo na lang sana ako.”  Patuloy ang pamamalisbis ng kanyang mga luha.  “Hindi iyon lagi mo akong iniiwan.  Alam kong mali na tanggihan ko nung una ang damdamin mo pero nalilito ako nang mga panahong iyon.  It was the first time in life that I ever felt so vulnerable.  And it scared me.  Ayokong masaktan.  Ayokong umiyak.  Sa klase ng trabaho ko, marami na akong nasaksihang kabiguan sa buhay.  At hindi ko pinangarap kailanman na makaranas ng ganon.  Ayoko.  Kaya nanatili ako sa anino ng katapangan ng kuya ko.  my feelings for you were so strong it scared the hell out of me.  Pero mahal talaga kita kaya pinilit kong labanan ang takot na iyon.  I risked my heart for this, Waki.  I risked my heart for you.” “I know.”  Buong pagmamahal nitong hinaplos ang kanyagn buhok.  “I know, sweetheart.  I’m sorry.  Tahan na.  Natakot lang din akong mawala ka sa akin.  Kaya ginawa ko ang lahat ng paraan na alam ko.  Iniwan kita sa moviehouse dahil iyon ang kasama sa plano namin ng kuya mo.  kailangan daw magkaroon ka ng time para pag-isipang mabuti ang mga ipinagtapat ko.  what we didn’t count on, what I didn’t count on was that kiss we had.  I know I shouldn’t have left you.  I’m sorry…I’m really sorry.”  Mas mahigpit pa ang naging pagyakap nito sa kanya, na tila ba nagsasabing wala na nga itong balak na pakawalan pa siya.  “I love you, Jazzy.  I really do.  I never felt like this before.  I never loved anyone like this.” So there.  Sa wakas ay nagkaintindihan na rin ang kanilang mga puso.  Parang gusto na lang niyang matawa nang mga sandaling iyon habang inaalala ang mga pinagdaanan nilang kalokohan at kadramahan bago nila tuluyang natagpuan ang puso ng isa’t isa.  But then, its all worth it. Ikinulong ni Waki ang kanyang mukha sa mga palad nito at buong pusong hinalikan ang kanyang mga labi.  There was nothing to think of now.  Wala ng pangamba sa puso niya, wala ng pag-aalinlangan.  Diretso na ang takbo ng utak niya at nakarating na rin sa patutunguhan nito ang kanyang puso.  At iyon ay ang mga bisig ng lalaking minahal niya. Naistorbo lang ang paglalambingan nila nang marinig ang matinis na tili ng isang babae. “Mack-Mack!  Wow!  Yur a beri-beri big na ngayon, ha?  I can’t believe it!  ang guwapo-guwapo mo pa!  Samantalang noon, naliligo lang tayo sa tubig-baha tapos naka-brief ka lang.” “Tumahimik ka nga, Jean April!” “Bakit?  Talaga naman, ah.  Ano ang dapat mong ikahiya?  Aba, kung hindi dahil sa brief mong butas na iyon, hinding-hidni kita magugustuhan.” “Tumahimik ka sabi!” Natawa na lang niya nang ipitin ni seryosong abogadong si Makisig ang leeg ng maliit na babaeng pilit naman itong niyayakap. “Look at those two,” sambit niya.  “They’d make a cute couple.” “Leave them alone.  Mas dapat nating intindihin ang mga sarili natin.  Now where were we?”   He tried to kiss her again but she laughed when stoic lawyer slipped and fell flat on his bottom.  The little lady just hugged him from his back. “Oh!  The indignity of it all!” “Mack-Mack, you’re so cute!  Come to Mama and give me a kiss.” Hinid na niya alam kung natuloy ba ang halikan ng dalawa dahil hinila na siya ni Waki palayo sa mga ito.  Well, she doenst mind kung gusto siyang solohin ng binata.  she walked up to him and hugged his strong arms that had always been there to protect her. She really wouldn’t mind it all.   THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD