CHAPTER 3

1480 Words
“SO THIS is Calle Pogi,” sambit ni Jazzy habang pinagmamasdan ang isang mahabang street na iyon mula sa kanyang sasakyan.  “Wala namang mukhang espesyal sa lugar na ito.  Ano ba ang nakita rito ni Kuya Bucho?” Akala pa naman niya, ginto ang kalsada roon, mansyon ang mga bahay at miyembro ng dugong bughaw ng Britanya ang mga residente?  Pero sa nakikita niya nang mga sandaling iyon, ordinaryong barangay lang naman ang Calle Pogi.  Pati na ang mga ganapan doon gaya ng mga batang naglalaro sa kalsada, mga nanay o katulong na nagwawalis sa labas ng gate, mga asong naghaharutan at mga pusang nagkakalmuta.  But the place was livable enough. Isang grupo ng mga bata ang nakakuha ng kanyang atensyon.   “Magaling ang Ninong ko.  Nung Pasko, binigyan niya ako b***l-barilan tsaka esapada-espadahan!” “Mas magaling ang Ninong ko!  Nung birthday ko, binigyan niya ako ng mga books na may mga dinosaurs na malalaki.  Tsaka mga colors na malalaki din!” “Mas magaling ang Ninong ko!  Nung birthday ko rin, binigyan niya ako ng red na sobre na may pera!  Sabi ng Mama ko, puwede ko na daw bilhin ang SM nun!” “Anong SM?” “Ewan ko.  Baka espa-espadahan din.” “Mas magaling sa lahat ang Ninong ko!” singit ng isa pang batang lalaki.  Excited ipagmalaki ang sariling ninong.  “Kasi nakikita siya lagi sa tv!” Napatingin sa huling nagsalita ang mga kagrupo nito.  “Ano naman ang magaling dun?” Oo nga naman. “Basta magaling siya!  Kasi…kasi…ang mga ninong nyo wala sa tv!” Tuluyan na itong pinagtulungang tuksuhin ng mga kalaro nito. “E, ano nga ang magaling dun?  Wala naman siyang binigay sa iyo, ah.” “Oo nga.  Hindi magaling ang ninong mo.  Mas magaling ang mga ninong namin.” “Magaling ang Ninong Waki ko!” buong giting pa ring pagtatanggol ng bata kahit mangiyak-ngiyak na ito dahil pinagtulungan na ito ng mga kalaro nito.  “Guwapo pa ang Ninong ko!” “Guwapo rin naman ang ninong namin, ‘no?  Lalo na ang Ninong ko.  Magaling pa siyang doktor!” “Pinakamagaling ang Ninong ko!  Gusto nyo sampulan ko pa kayo ng itinuro niya sa akin na karate, eh.”  Bigla na lang nitong binigyan ng karate chop sa ulo ang katabi nito.  “Hiiiyaaa!” Ngumawa ang bata.  Agad namang nag-sorry ang may kasalanan.  Ngunit maingay ng nagpalahaw ang sinampulan nito.  Nagkanya-kanya na ng sisihan ang mga bata. “Mas magaling ang Ninong ko!” hindi pa rin tumitigil ang batang walang maipagmalaki sa ninong kundi ang pagiging sikat niyon sa telebisyon.  Naiyak na rin ito dahil walang pumapansin.  “Isusumbong ko kayo sa Nanay ko!  Lagot kayo sa Ninong ko!” Napailing na lang siya.  “Maiiyak nito si Jose Rizal kapag nakita niya kung ano na ang nangyayari sa mga ‘kabatang pag-asa ng bayan’ niya.” Lumabas na siya at tinungo ang umpukan ng mga bata para maawat na ang mga ito bago pa magkasakitan.  “Kids, tama na iyan.  Magsiuwi na kayo at baka hinahanap na kayo ng mga magulang ninyo.” “Isusumbong ko kayo sa Ninong ko!”  Iyon lang at tumakbo na palayo ang isa sa mga ito na umiiyak. Naiiling na lang niyang binalingan ang mga natitirang bata.  “O, kayo?  Ano pa ng hinihintay ninyo rito?  Umuwi na rin kayo.” “Maglalaro pa po kami,” wika ng nakasalaming batang babae.  “At wala naman po kaming pasok ngayon sa school.” “Pakalat-kalat lang naman kayo sa kalsada.  Sa ibang lugar kayo maglaro at baka masagasaan pa kayo rito ng mga sasakyan.” “Konti lang po ang sasakyan dito sa amin,” sagot nito.  “At kung may darating man pong sasakyan, hindi naman po nila siguro kami sasagasaan.  Kapag may nakita po kaming sasakyan, tatabi na lang po kami.” Gusto niya itong tirisin.  Nangangatwiran pa kasi.  “Hindi ninyo kailangang makipagsapalaran sa mga sasakyan.  Wala ba kayong park dito?  Doon na lang kayo maglaro.  Hindi palaruan ang mga kalsada.” “May palaruan kami dito.  Pero mas gusto namin maglaro sa kalsada.  Wala naman po nagsasabing bawal iyon kaya dito na lang kami kung saan makikita pa kami ng mga magulang namin.  Para hindi sila mag-aalala kung nasaan na kami.” Nagtanguan pa ang mga walang muwang nitong kalaro.  Lintik na bata!  Daig pa ang abogado kung mangatwiran!  Tumayo siya nang diretso at tiningnan nang husto ang batang atribida.   “Alam mo bang masama ang sumagot-sagot sa mga nakatatanda sa iyo?” “Alam po,” walang takot nitong sagot.  “Pero ang sabi ng Ninong Makisig ko, hindi dapat nananahimik kung may gusto akong sabihin.  At alam kong tama.” “Well, kahit tama ka pa o mali, mas matanda pa rin ako sa inyo at siyang mas nakakaalam ng kung ano ang tama at mali.  At sinasabi ko, mali ang magpakalat-kalat kayo sa kalsada dahil delikado.  Paano kung hindi ninyo mapansin ang mga sasakyan at hindi rin kayo mapansin ng mga drivers?  Mamamatay kayo ng wala sa oras, mababali ang mga buto ninyo, luluwa ang mga mata ninyo at lalabas ang mga utak ninyo.” Gross stories always worked on overactive children.  Dahil ilang segundo lang ay nagtatakbuhan na palayo ang mga ito, liban sa batang abogada.   “You shouldn’t scare us like that,” wika pa nito.   “I’m not scaring you.  I’m telling the truth.  Gusto mong subukan?  I have a car there.  Sasagasaan kita tapos tingnan natin kung mababali ba ang mga buto mo, luluwa ang mga mata mo o kung lalabas ang utak mo.” Kitang-kita niya ang unti-unting pagtutubig ng mga mata nito hanggang sa tuluyan na itong umiyak.  Saka ito nagtatakbo palayo. “Ouch.  That’s a little too harsh to tell a kid, don’t you think?” Nilingon niya ang nagsalita.  The guy was smiling as he was leaning against the low-fenced gate of his property.  Hindi nawawala ang ngiti nito nang lumabas ito ng bakuran nito at lumapit sa kanya. “That’s not the right way to talk to our children here,” wika nito.  “Lagot ka sa mga ninong nila.” Tiningnan lang niya ito.  There was something about this guy that she doesn’t like.  Maybe the way he smiled at her.  He had a great smile, she had to admit.  And a pleasant-looking face.  Napakunot ang kanyang noo.  Pleasant-looking?  Saan naman kaya niya natalisod ang salitang iyon?   “I know, I know,” patuloy nito.  “Hindi ka dapat masyadong ma-starstruck sa akin.  Ganito talaga ako sa personal.  Mabait at approachable, lalo na sa umaga.  Lalo na sa magagandang babae.”  Muli siya nitong pinagmasdan.  “You’re in luck today, pretty lady.  Maganda ang mood ko ngayon para pagbigyan ang mga simpleng kahilingan ng isang tagahanga.” Hindi niya alam kung bakit hindi siya agad nakapag-react nang kumilos ito at  hawakan ang magkabila niyang pisngi.  Kaya huli na para pigilan ito nang halikan nito ang gilid ng kanyang mga labi.   “Waki, what the heck are you doing?” “Bucho, tamang-tama.  This is one of my beautiful fans.”  Inakbayan pa siya nito.  “Am I right or what?” “Idiot.  Lumayo ka na sa kanya o—“ Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ng kanyang kuya.  Mabilis na niyang hinawakan ang nakaakbay na braso ni Waki sa kanya at ibinuhos niya ang lahat ng natutunan niya sa Judo nang ibalibag niya ang katawan nito. “Mangyayari sa iyo iyan,” patuloy ng kuya niya.  Napailing na lang ito nang ungol na lang ang marinig nila mula sa pangahas na lalaki.  “Kim Jaze, that was just a kiss.  Walang dahilan para maging ganyan ka kabayolente.” Sa unang pagkakataon, hindi niya inintindi ang sinabi ng nakatatanda niyang kapatid.  Iisang emosyon lang ang tanging rumehistro sa utak niya nang mga oras na iyon habang pinagmamasdan ang nakabalandrang katawan ni Waki sa kalsada.  Hinawakan niya ang gilid ng kanyang labi kung saan siya nito hinalikan.   “How was your first kiss, dear sister?”  Masama ang tingin niya sa kanyang Kuya Bucho.  Ngunit nangingiti lang itong nagkibit balikat.  “Dalhin mo si Waki sa community health center.  Malilintikan ka sa mga fans niyan kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya.” “Bakit ako?” Kahit ang kanyang kuya ay tila nabigla sa sinabi niya.  Iyon din kasi ang unang pagkakataon na kinuwestiyon niya ang utos nito.   “Sa ospital mo na dalhin si Waki.  He’s your responsibility now.”  Pagkatapos ay naglakad na ito palayo. Naiwan siyang walang nagawa kundi sundin ang utos nito.  Ayaw niyang ma-disappoint ang kuya niya sa kanya nang dahil lang sa siraulong Waki na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD