Alessia’s Point of View Halos malaglag ang panga habang nakatingin sa lalaking kauupo lang sa swivel chair sa kabilang bahagi ng desk kung saan ako pinaupo kanina ni Ginoong Romanov. Nakanganga at halos hindi ko maisara ang bunganga ko sa gulat dahil sa bigla niyang pagsulpot. Prenteng-prente siyang nakaupo sa office chair na akala mo’y kaniya ang tronong iyon. May ngisi sa gilid ng labi niya na nakakairitang tignan. Gulong-gulo ang utak ko. Sino ba ang lalaking ito? Bakit narito siya at bakit siya ang umupo sa upuang iyan at hindi ang Ginoong si Romanov? Teka lang ha– “I-Ikaw ba si Giovanni Romanov?” lakas-loob kong tanong. Mas lumawak ang ngisi sa mga labi niya nang itanong ko iyon. Tumikhim siya at sumadyal sa kaniyang upuan. Ipinatong ang magkabilang braso sa armrest at ang isang k