Alessia's Point of View Ano nanaman kaya ito? May delivery nanaman. Halos araw-araw na lang meron. Kinuha ko ang inaabot sa aking slip at aking pinirmahan. Kumuha rin sila ng litrato bilang proof na natanggap na ang package na galing pang ibang bansa. Nang makaalis ang truck nila ay pinadala ko na sa dalawang house boy sa storage room ang malaking kahon na ayon sa dalawa ay may kabigatan daw. Walang label sa labas kung ano ang laman. Ang pangalan lang ng courier company ang nakatatak at ang fragile and handle with care kaya wala akong ideya kung ano ang nasa loob bukod sa maaring mabasag na bagay. Hindi rin naman nakalagay sa pinirmahan ko kung ano iyon at ayaw ko ring buksan na lang dahil hindi naman iyon sa akin. Kung ano-ano na lang talaga ang ino-order karamihan naman hindi napak