Alessia’s Point of View Pagpara ko ng bus ay walang lingon-lingon akong sumakay para iwan na ang nakaiiritang si Giovanni Romanov doon. Napakagwapo nga pero nakaaasar naman ng pag-uugali. Sayang lang ang kagwapuhan niyang taglay. Alisin na lang sana iyon sa kaniya at hati-hatiin doon sa mga hindi nabiyayaan ng mga magagandang mukha nang sa ganoon ay magkaroon naman sila ng confidence sa mga sarili nila pero kung kukunin naman ang kagandahan niyang lalaki ay wala ng matitira sa kaniyang maganda dahil sa ugali niyang hindi ko maintindihan kung may pinagmanahan ba siyang ganoon o sadyang spoiled brat lang siya noong bata at ang mga hindi niya napapa-oo ay hindi niya kayang tigilan hanggang mapaayon niya sa kaniyang gusto’t mga plano. Sa nakikita ko kasi ay parang ganoon siyang klaseng tao.