9:32 nang makatapak siya sa harapan ng opisina ng bilyonaryong binata. Pinapasok siya ng gwardiya matapos tignan siniyasat ang laman ng bag niya at tinanong kung ano at sino ang pakay niya. Sinabi niyang may ibibigay lang siyang liham. Kukunin na nasa ng gwardiya upang siya na ang magbigay ngunit hindi pumayag ang dalaga. "Ako na lang po ang mag-abot. May iba po kasi akong gustong sabihin kay Mr. Romanov," aniya siya gwardiya. "A sige po ma'am. Punta na lang po kayo roon sa upuan pong iyo. Umalis lang po ang sekretarya niya, baka pabalik na rin po ngayon. Sa kaniya n'yo na lang po sabihin ang pakay ninyo," anang gwardiya. "Okay po kuya, salamat," kaniya naman sabi at naglakad na papunta sa upuan na itinuro nito at doon na naupo't naghintay. Lumipas ang ilang minuto, naging lima, sampu