Habang inaayusan ng dalawang babae sa loob ng modernized kubo si Alessia, si Gio naman ay nasa bukod na lugar kasama ang inupahan nilang Event Organizer upang kulit-kulitin. Upang tiyakin na ayos na ang lahat at walang aberyang mangyayari. First date pa naman din nila at sa wakas mangyayari na, kaya gusto niyang maayos ang lahat. "Yes, Sir. We already prepared everything for the night. Cue mo na lamang po ang hihintayin namin just like what you said. Isa po sa mga tauhan ko will serve as the waiter and ready na rin po ang background music," saad ng babaeng kaniyang kausap na pilit lang ang ngiti dahil nakukulitan na siya kay Giovanni. Nakailang balik na kasi ito sa tent kung nasaan siya nag-aasikaso ng mga pagkain at nakailang tawag na rin si Giovanni sa kaniya mula nang dumating ito